Sa kanyang Instagram account ay ipinaabot ni Robin Padilla ang labis na pasasalamat dahil nasa mabuting kalusugan ang kanyang mag-inang sina Mariel Rodriguez at Gabriela matapos magsilang ang asawa kamakailan sa US.
Nag-post si Binoe ng larawan ni Mariel habang makikitang basa ang blouse nito sa parteng dibdib which means, maraming breast milk ang TV host.
“Sa ngalan ng nag-iisang Panginoong Maylikha ang pinakamapagpala at ang pinakamahabagin maraming maraming salamat po o aming nag iisang Dios sa inyong pagpapala sa amin ni Mariel nasa mabuti pong kalusugan ang aming bunsong anak na si Maria Gabriela lalot umaapaw po ang pagdating ng gatas ni Mariel,” ang bungad ng caption ni Binoe.
“Allah hu akbar Allah hu akbar Allah hu akbar Dasal po namin ay mabiyayaan din si Maria Isabela ng gatas mula kay Mariel in shaa Allah …….” patuloy pa ng action star.
Nagpasalamat din si Binoe sa asawa na kahit malayo ay nagawa pa nitong magprepara para sa kanyang 50th birthday.
“@marieltpadilla babe thank you sa pagpapasaya sa akin mula August 9 hanggang ngayon birthday ko pa rin dahil sa mga kinumpuni mo at inihanda ninyo para sa akin na kahit malayo ka ay ramdan na ramdan pa rin kita.
“Salamat sa lahat lahat alam ko pagod na pagod ka dahil nag umpisa na ang pumping station kaya kulang na kulang ka sa tulog pero nagawa mo pa rin na maging memorable ang aking 50 th birthday Alhamdulillah,” ang mensahe ni Binoe sa asawa.
Sumagot naman ng “I love you” si Mariel sa comments section.
Si Sharon Cuneta ay nag-comment din at nagpahayag na excited na siyang ma-meet ang bunsong anak nina Mariel and Robin.
“Congratulations on our new princess, Maria Gabriela!!! Cannot wait to meet her and see Isabella too!!! God bless your family!!! Happy for you and Mama Mariel!!! (When you coming home?!) Much love to you all,” komento ni Megastar.
Kathryn namatayan
Dahil nga alam ng mga fan ni Kathryn Bernardo na mahal na mahal ng aktres ang mga alagang aso, ikinalungkot din nila ang pagkamatay ng alaga nitong si Pablo or Pablito.
Ibinalita ng nanay ni Kathryn na si Mommy Min Bernardo ang sad news ng pagpanaw ni Pablo sa kanyang IG account kahapon, gayundin ang kanyang pamamaalam dito.
“You will be missed forever. Thank you for the memories,” ang farewell message ni Mommy Min kay Pablo kahapon.
Napuno ng pakikiramay ang nasabing post at malungkot ang mga netizen for Kathryn na as we all know ay likas na mahiligin sa mga aso.
Isa lang si Pablo sa maraming aso ni Kathryn na iginawa pa ng aktres ng sariling Instagram account. Maging ang boyfriend niyang si Daniel Padilla ay malapit din sa kanyang mga aso.
Prenup photo nina Vhong-Tanya binaha ng pagbati
Balitang-balita na nga ang kasal ni Vhong Navarro sa November 29 sa longtime girlfriend na si Tanya Bautista na gaganapin sa Japan bagama’t wala pang kahit anong kumpirmasyon na nanggagaling sa dalawa.
Pero kahapon ay nag-post si Vhong ng larawan nila ni Tanya na tila kuha mula sa isang pre-nuptial shoot.
“She’ll often disagree, but at the end of it all, she will understand me,” ang simple but sweet caption ni Vhong.
Bumaha ng congratulatory messages sa thread para sa dalawa mula sa mga netizens at mga kaibigan from showbiz. Ilan sa mga bumati ay sina Ogie Alcasid, Luis Manzano, Erik Santos, Barbie Imperial, Rodjun Cruz, Zeus Collins, Ryan Bang, Jason Abalos, Billy Crawford among others.
Ang pagbati na ito ng mga kasamahan ay tila pagkumpirma na rin na totoo nga ang tsikang ikakasal na ang dalawa.