Gatchalian nanghinayang kay Pernia

Labis ang panghihinayang ni Senador Sherwin Gatchalian sa pagbitiw sa puwesto ni Socioeconomic Planning Secreyary Ernesto Pernia.

“I worked with him directly and closely when I was the Chairman of the Economic Affairs Committee during the 17th Congress and that is because Sec. Pernia believes in the strong tandem between the executive and legislative,” reaksiyon ni Gatchalian.

Kilala umano niya si Pernia bilang ‘pragmatic’ at ‘development-centered na ekonomista na determinadong wakasan ang kahirapan sa bansa kaya’t malaking kawalan ito sa administrasyong Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pernia na ang pakakaiba nila ng ilang kasamahan sa gabinete tungkol sa “development philosophy” ang isa sa mga dahilan ng kanyang pagbibitiw sa puwesto.

“This is due partly to personal reasons and partly to differences in development philosophy with a few of my fellow Cabinet members,” sabi ni Pernia.

Pinasalamatan naman ni Pernia si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagkaka-appoint sa kanya bilang Socioeconomic Planning secretary.

Isa umanong karangalan para sa kanya ang makapaglingkod sa administrasyong Duterte nito nakalipas na apat na taon. (Dindo Matining)