Kinalampag ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) upang imbestigahan ang power shortag­e sa Luzon matapos na ilagay ng Natio­nal Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang grid sa red alert dulot ng kakapusan ng suplay ng kuryente.

Sa isang statement, sinabi ni Gatchalian na dapat busisiin ng DOE ang posibleng sabwatan ng mga power produ­cer sa pagnipis ng suplay ng kuryente sa panahon na malakas ang demand.

“The red alerts for Luzon issued by the National Grid Corporation of the Philippines today (Wednesday) is surprising, especially after the Department of E­nergy repeatedly assured us just last week that there is ample reserve throughout the dry season,” saad ni Gatcha­lian, chairman ng Senate committee on energy.

“These kinds of confusing messaging does not help the public at all,”dagdag pa niya.

Inanunsyo ng NGCP ang red alert na nagsimu­la ng alas-11:00 nang umaga kahapon na umabot hanggang alas-kuwatro nang hapon sa Luzon grid. Dahil dito, nagsagawa ng rotatio­nal brownout ang Meralco na tumagal ng isang oras sa ilang bayan sa Bulacan, Cavite at Laguna at ilang lugar sa Metro Manila.

“Sabi ng DOE may sapat na kuryente at may sobra pa kahit tagtuyo. Pero ngayong araw, limang planta ang hindi gumana at dahil dito ay nawalan tayo ng 1,702 megawatts na kuryente,” himutok pa ng senador. (PNA)