Marami ang natutuwa­ sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na buksan na ang sektor ng ­enerhiya at telecommunication sa mga dayuhang negosyante dahil medyo hindi masaya ang mga tao sa serbisyo ng mga sektor na ito. Gawin mo na, Mr. President.

Walang choice ang mga tao sa sektor na ito kundi tanggapin at pagtiisan ang mga serbisyo nila kahit hindi masaya ang mga tao. Kung maraming players baka magkakaroon talaga ng totoong kumpetismo.

Huwag lang makipag­sabwatan ang mga bagong players sa mga datihan na para maging makatotohanan ang kumpetismo at gawin ng mga ahensyang nakakasakop sa kanila ang kanilang trabahong proteksyunan ang interes ng mga consumers.

Sa ngayon kasi, hindi­ ramdam ng publiko na ginagawa talaga ng National­ Telecommunication Commission (NTC) ang kanilang trabaho kaya kahit palpak ang serbisyong binabayaran ng mga subscriber ng mga cellphones ay wala silang magawa kundi mapamura na lang.

Matagal na ang reklamo ng mabagal na internet service, ang mga drop calls, ang mga nawawalang mga load ng mga prepaid subscribers pero hanggang reklamo lang dahil ang inaa­sahan nilang ahensya ng gobyerno na poprotekta sa kanila eh hindi ginagawa ata ng gobyerno.

Natatandaan ko, noong pagdinig ng Kamara sa emergency power dahil­ sa plano noon na isama ang Information and Technology Department sa pagresolba ng trapiko sa Metro Manila, ang sabi ng NTC gumaganda ang serbisyo ng mga telecommunication companies….mukhang sila lang ang nakakaalam na maganda ang serbisyo ng mga Telcos.

Sa enerhiya, ang sabi­ ng administrasyon noon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kapag naipasa ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) law, magkakaroon na ng maayos na serbisyo sa power sector at bababa ang presyo ng kuryente.

Mukhang hindi nangyari dahil iilang players lang ang nasa sektor na ito at may mga alegasyon na nagkakaroon pa ng hokus-pokus sa presyuhan ng kuryente kaya imbes na magmura ang singil­ eh tumataas pa.

Wala ring silbi ang ­Energy Regulatory Commission (ERC) dahil mukhang marami silang kapalpakan at nababalutan pa sila ngayon ng kontrobersya dahil sa pagpapakamatay ni ERC director Jun Villa.

Matagal nang may sitsit na talamak ang katiwalian sa ERC pero ngayon lang medyo napagtutuunan ng pansin ang ahensyang ito dahil sa pagpapakamatay ni Villa kaya natuwa ang ilan nang dine-demand ni Pangulong Duterte na mag-resign ang mga opis­yales sa ahensyang ito.

Kaso walang plano ang mga ERC officials na mag-resign kaya ang banta ni Duterte ay buwagin na lang ang ahensyang ito. Medyo masama ang pangitaing ito kapag nagkataon.
Ilang daan o ilang libo­ ba ang empleyado ng ERC? At ilan ba ang top officials nila na pinagre-resign ni Duterte? Kung hindi magre-resign ang mga pinagre-resign, buong ERC ang mawawalan.

Naintindihan ko ang ang katuwiran ng mga ERC officials na nagsa­sabing hindi sila magre-resign dahil kung gagawin nila ‘yun, parang ina­amin na nila na mayroon silang kasalanan.

Pero ang punto rito­, kung ayaw nilang magsakripisyo, ang buong­ ERC ang masusunog. Paano ang mga ordinaryong empleyado na mawawalan ng hanapbuhay kahit wala silang alam sa nangyayaring katiwalian, kung mayroon man, magsasakripis­yo rin????

(dpa_btaguinod@yahoo.com)

27 Responses

  1. Maganda yan. May choices ang mamamayan. Mahal na internet o network na may mabilis/ maganda na service at mura na internet/network n pangit ang service. Di tulad sa ngayon na mahal na pangit pa service

  2. kung papasok na mga bagog investor siguradong mas upgraded pa ito sa dati nating mga player, tendency aayusin din nila services pati sa priceng kasi sigurado mabab ang offer lagi ng bagong company

  3. tma po yan pangulo na buksan mo na ang enerhya at telecommunication sa mga dayuhan para hndi na sila mag tiis pa sa ugali at pagseserbisyo ng mali sa mga tao