Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang publiko, lalo na ang mga mamamahayag, na gamitin ang Freedom of Information (FOI) na idi­naan ni Pangulong Rod­rigo Duterte sa Executive Order (EO).

Sa kanyang pagsasa­lita sa isang media group, sinabi ni Robredo na dagdag na instrumento ang FOI sa mga kagawad ng media para magawa ng mga ito ang kanilang parte sa pagbabago na isinusulong ng Duterte admi­nistration.

“Now that the government has put the full force of its commitment behind the Freedom of Information, and with open data institutionalized in govern­ment agencies, the press can be an even more powerful instrument for deep change that will last,” ani Robredo.

“The information highways are open; it is up to you to dive deep ­into the numbers and make sense of them,” dagdag pa ni Robredo na kabilang sa mga naghain ng FOI bill sa Kamara noong 16th Congress subalit hindi ito nakapasa.

Layon umano ng kanyang panukala na mabig­yan ang ordinaryong mamamayan, hindi lamang ang mga kagawad ng media, ng access sa mga impormasyon sa gobyerno tulad ng mga aksyon ng mga opisya­les ng pamahalaan, transaksyon, desisyon at iba pa kasama ang pagsilip sa kanilang yaman.

One Response