Gawing simple ang Pasko

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa taumbayan na ipagdiwang ang darating na Kapaskuhan nang simple at payak at huwag maging magastos.

Ito ang payo ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo at CBCP-Episcopal Commission on the Laity chairman sa mga mananampalataya ngayong Pasko.

Hinimok nito ang mamamayan na huwag magpasilaw o maengganyo sa mga mamahaling Christmas deco­rations at mga kagamitan na panregalo sa Kapaskuhan.

“Sa panahon natin ngayon hinihikayat tayo na ma­ging simple. Sa tuwing bibili tayo ng regalo sana ‘yung talagang mahalaga, ‘yung mga gamit, at pati ‘yung mga pambalot nito ay dapat simple lang.

Kung magde-deco­rate pwede namang gamitin ang mga nakaraang decorations o kaya kumuha ng mga decorations na biodegradable, ‘yung mga plastic.

Gayundin, sa mga pagbabalot ng mga regalo natin, iwasan ‘yung mga plastic kundi simpleng balot lang,” pahayag ni Bishop ­Pabillo sa ulat ng Radyo Veritas.