Dahil nga 43rd birthday ni Queen Bayot Vice Ganda, drama-dramahan ito tungkol sa kanyang romansa sa buhay.

Sa katatapos nitong selebrasyon na ginanap sa pangmalakasang show na “It’s Showtime” kamakailan, ang emote ng baklang sakdal yaman, “Sana suportahan niyo rin ako ‘pag nagmamahal ako at ‘pag may nagmamahal sa ‘kin.”

Dagdag aria pa ni Jose Marie, “Kasi ang dami kong nababasa and ‘di ko talaga maintindihan bakit ‘yung iba, gusto lang nila ‘yung bakla ‘pag nagpapatawa. Pero ‘pag ‘yung bakla nagmamahal, hindi nila gusto. ‘Pag ‘yung bakla binabatukan sa TV o sa pelikula, natatawa sila. Pero ‘yung bakla minamahal nu’ng lalaki, hindi niyo matanggap.”

Ang kanyang pagsusumamo sa madlang pipol, “Sana maging masaya tayo para sa isa’t isa. Hindi naman ikakabawas ng kasiyahan at pagkatao ninyo kung magiging masaya kayo sa kasiyahan ng iba. ‘Yun ang wish ko para sa isa’t isa. God bless you.”

Kung may ganito pang mga eme si Ganda, maaari ba nating i-connect the dots si Ion Perez sa kanyang mga pahayag? Hinihiling na ba ni Queen Bayot na maging siksik, lig­lig at umaapaw ang ating galak para sa kanya kung saka-sakaling hinog na ang panahon para isapubliko ang kakaiba nilang pagmamahalan ni Perez?

Kung sa noontime show ni Unkabogable Star eh may pakiusap siya, kabog na kabog siya sa “love wins!” na kaganapan sa ‘Boom’ segment ng “Eat Bulaga.”
Sa nasabing segment, walang halong pag-iimbot at buong katapatang inamin nina Patrick at Paul ang kanilang pagmamahalan.

Naka-pitong girlfriend si Patrick bago niya nagtagpuan ang tunay na pagmamahal sa katauhan ni Paul. Ang dalawa ay parehong magandang lalaki at straight acting.

Pahayag ni Patrick, isang taon at tatlong buwan na ang kanilang relasyon. Ang message nito sa iniirog, “Mahal na mahal kita. Salamat sa lahat, I love you.”

Si Paul, may pa-I love you more, huh. Ang nakaka-tumbling sa kanilang moment eh ‘yung pagkatapos nilang aminin ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa, they sealed it with not one, but two kisses.

Una, ang halik ni Patrick sa noo ni Paul. Ang pangalawa eh ang pagsunod nila sa request ng live audience na maghalikan, na spontaneous nilang ginawa at pinagbigyan ang hiling, nag-baby kiss/smack ang da­lawa sa lips.

Hindi ba, a pink kiss on live national television. Makasaysayan ang pangyayaring ito, huh! Sigawan na may kasamang hiyawan ang binigay ng mga nasa EB studio.

Nakakatuwang ­sobrang positibo ang kanilang reaksyon sa pagmamahalan nina Patrick at Paul. Si Bossing Vic Sotto eh buong ningning na sinambit para kay Patrick, “Happy for you.”

Saan pa kaya natin malalaman ang buong kuwento nina Patrick at Paul?
Matapos ang matagumpay na ­‘BakClash’ kung saan si Echo ang tinanghal na pinaka-pasok sa banga, nawa’y ang “Eat Bulaga” ang maging platform para sa mga gay couple na may masasayang relasyon at kakaibang pagmamahalan.

***
Gretchen, Claudine laos na

Papatol pa ba tayo sa away ng mga Barretto sisters?

Hindi ko maunawaan kung anong klaseng kaligayahan, kapayapaan ng isip at kaluluwa ang inihahatid kina Gretchen at Claudine ang pagiging magkakampi nila laban kay Marjorie.

Ang pag-aaway at sigalot pampamilya, dapat personal at pribadong pinag-usapan. Dahil nga pulos laos na sa kasalukuyan, social media ang platform nila para maging infamous at talk of the town in a flash.

Kaya nga minsan, hindi ko maiwasang magtaka, ang super shalang si Dominique Cojuangco hindi kaya siya bothered, maski itsy-bitsy lang, sa kakaibang ugali at mga cause na pinag­lalaban of her mommy dearest?

Ang mga anak ni Claudine, ano kaya ang pakiramdam na ang nanay nila, in the guise of “blood being thicker than water,” eh malapit na naman sa tiyahin nila?

Gising na sa katotohanan, mga sis. ­Pasok na pasok kayo sa League of Extra Ordinary Has Beens. Abang na abang na si ­Diether Ocampo sa inyo, ang president niyo sa League. Charot! Hahahaha!