Gayahin ang SMC, MVPSF, PBA

ramil-cruz-turning-point

Naayudahan ang Philippine sports nitong Linggo, Mayo 6 ng gabi sa SM MOA Arena, Pasay City.

May donasyon ang San Miguel Corporation ni Ramon Ang na P20 milyon.

Gayundin ang hala­gang pinagkaloob ng MVP Sports Foundation ni Manuel Pangilinan.

At nagdagdag ang Philipppine Basketball Association ng P6M.

Kaya nagkalaman ng P46M ang kaban ng Philippine Olympic Committee.

Si PBA Commissioner Wilfrido Marcial ang sumalubong sa mga bumisitang sina POC President Victorico Vargas at Chairman Abraham Tolentino.

Kasama ni Marcial sina SMC sports director Alfrancis Chua at ang kapwa nila ni Vargas pro league governors na sina Robert Non ng San Miguel Beer, Rene Pardo ng Magnolia Ang Pambansang Manok, Richard Bachmann ng Alaska Milk, Demosthenes Rosales ng Columbian Dyip, Ramoncito Fernandez ng North Luzon Expressway, Alfredo Panlilio ng Talk ‘N Text KaTropa.

Si Vargas din ang PBA board chairman sa ngayon at si Panlilio ang presidente ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.
Magandang ehemplo ang pinakita nina Ang at Manuel Pangilinan, pati na rin ng liga sa hakbang na ito.

Malaking tulong ito sa ating isports lalo’t lalahok sa parating na Agosto ang mga manla­laro natin sa 18th Asian Games sa Indonesia, 3rd Summer Youth Olympic Games 2018 sa Oktubre sa Argentina, magtataguyod ang bansa ng 30th Southeast Asian Games 2019, at sali rin tayo sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Japan.

Dalangin lang ng TP na sana mas marami pang sumunod sa SMC, MVPSF at PBA.

Tumulong na rin sana ang iba pa para sa sports, sa POC o sa ating mga national athlete.

Tutal bawas naman sa mga bayarin ninyo sa tax bilang CSR (corporate social responsibility­) na rin.

***
Advance happy 5th birthday to Tom Lauriles of Las Piñas City, Metro Manila on Sunday, May 13, 2018. Greetings comin­g from Lola Liza Ner.