Isa pala si Tito Boy Abunda sa mga nagti-training sa ating panlaban sa Miss Universe 2019 na si Gazini Ganados.
Si Tito Boy ang in charge sa Q&A at sa five sessions niya with Gazini ay nakita niya raw ang pagiging palaban ng dalaga, na ang payo niya sa pageant night sa Atlanta ay ‘sound right and end strong’.
Sa last session nila ay tumalon daw ang puso ni Tito Boy at na-excite siya sa kakaibang bravado ni Gazini. May laban daw ito at na-happy siya sa huling training nila.
Aliw ‘yung chika ni Tito Boy na sa isang session nila ay nag-Angkas si Gazini para makarating sa meeting place nila. Ang alam daw niya, pati si Catriona Gray ay nag-Angkas din noon.
Talbog si Tito Boy ng mga beauty queen dahil never pa niyang naranasan sumakay ng Angkas.
Once lang daw niya na-train si Catriona, pero malawak daw ang alam nito at talagang intelligent. Kailangan lang nitong mag-edit ng sasabihin dahil mahaba itong sumagot.
Na-train din ni Tito Boy si Pia Wurtzbach, na ang sabi niya ay streetsmart, mabilis sumagot at buo ang loob.
Natsika namin si Tito Boy kahapon sa contract signing niya at presscon bilang Level-Up Ambassador ng AMA Online Education.
Perfect ang batikang TV host at talent manager na mag-endorse ng post-graduate courses ng AMA OEd dahil meron siyang Masteral at Doctorate degree, kaya kung tawagin siya ay Dr. Eugenio ‘Boy’ Abunda.
Ang bongga ni Tito Boy dahil kahit busy siya sa dami ng ginagawa niya sa showbiz ay naisingit niyang mag-graduate studies kaya sobrang proud siya rito.
Sa kanyang Doctoral daw talagang nahirapan si Tito Boy pero iba raw ang fulfillment nang matapos niya ito.
Accessible sa lahat ang post-grad courses ng AMA OEd na puwedeng kunin sa sariling oras mo. For more info tungkol sa different courses na ino-offer ng AMA OEd, mag-log on lang sa www.amauonline.com.
Annabelle tinanggihan ang serye ng LizQuen
Ngayon ang first taping day ni Tito Eddie Gutierrez para sa bagong LizQuen teleserye na “Make It With You”.
Lolo ni Liza Soberano ang role ni Tito Eddie, na gustong-gusto niya dahil groovy ito, mahilig pumorma at mala-Elvis Presley ang datingan, kaya parang tailor-made talaga sa kanya.
Hindi pa raw nami-meet nang personal ni Tito Eddie ang mag-sweetheart na Liza at Enrique Gil, doon na lang sa set ‘pag nag-taping na sila.
Mas mahaba raw ang role dito ni Tito Eddie kumpara sa recent appearance niya sa “The Killer Bride” ni Maja Salvador, na from the start ay sinabi raw sa kanya na guest appearance lang siya.
Actually, kasali rin dapat si Tita Annabelle Rama sa bagong serye ng LizQuen bilang lola naman ni Quen, pero tumanggi si Tita Annabelle dahil hindi raw ito marunong umarte.
Kuwento sa amin ni Tito Eddie, ang sabi raw kay Tita Annabelle ng mga taga-Star Creatives ay hindi nito kailangang umarte, she just needs to be herself dahil ganu’n naman ‘yung karakter, na bale magiging kapareha ng karakter ni Tito Eddie.
Ayaw talaga ni Tita Annabelle dahil ang totoo, nanghihinayang ito sa kikitain sa mga negosyo at raket nito, kesa kung magti-taping ito na puyatan at mahabang oras ang kakainin.
Na-excite pa naman daw sana si Tito Ed na magkakasama silang mag-asawa sa taping dahil masaya raw kasama si Tita Annabelle.
Si Direk Cathy Garcia-Molina ang direktor ng “Make It With You” na may mga eksenang kinunan pa sa Croatia. Huling nakatrabaho ni Direk Cathy sina Liza at Enrique sa hit movie na “My Ex & Whys” nu’ng 2017.
Si Direk Cathy rin ang nagdirek ng LizQuen serye na “Forevermore” at “Dolce Amore”.