Nalalapit na ang Miss Universe 2019 na gaganapin sa darating na Disyembre 8 sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia . Paalis na ang Binibing Pilipinas-Universe na si Gazini Ganados para lumaban sa darating na kompetisyon.

Siyempre isang bonggang send off party ang inihahanda ng mga fan para sa kanyang pag-alis sa November 26 . Isa itong ekspresyon ng suporta at pagbibigay lakas-loob sa pressure na nakapatong sa balikat ng beauty queen.

Hiling kasi ng mga fan na sana’y magkaroon ng back to back win. Kaya’t sa pag-alis ni Gazini ay hinihikayat ng mga pageant fan na sumama sa pagtitipon sa Terminal 2 VIP lounge.

“Hi Everyone! We are calling all the 104 million Filipinos to once again raise our Philippine Flag in the Universe by accompanying our Miss Universe Philippines, Gazini Ganados, to her departure on November 26, 8am, NAIA terminal 2 VIP lounge. Kindly bring your Philippine flag at the airport and look for admin Lynelle Valenciano by contacting her on her Instagram account @lynelle_skyla or message her on Facebook! Thank you! See you there,” saad ng post sa Instagram. (Rona Ronda)