Gazini nag-angkas bago magsara ang airport

Gazini nag-angkas bago magsara ang airport

Punum-puno kahapon ang mga istasyon ng bus, mga pantalan at paliparan dahil ilang oras na lang ay ititigil na ang kanilang operasyon bilang pagsunod sa Executive Order ng Pangulong Duterte na community quarantine. Ito’y para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 virus

Ang Binibibing Pilipinas Universe na si Gazini Ganados ay isa sa nagkukumahog na makauwi ng Cebu. Humabol talaga siya bago tuluyang magsara ang domestic flight.Sumakay talaga siya ng Angkas..

Siyempre, nakilala ng Angkas driver ang kanyang pasahero at pagdating sa airport ay gusto niyang makipag-selfie kay Gazini. Pinagbigyan naman siya ng beauty queen .

Mukhang maka-Diyos ang naging driver ni Gazini na si Roderick Manabat dahil sa kanyang FB post ay nagpasalamat ito sa Diyos na naihatid niya ang beauty queen na ligtas sa panganib.

Pagpasok ni Gazini sa airport ay walang special treatment sa kanya .Nakasama siya sa mahabang pila ng mga tao.

Sa aming pagsasaliksik, ang Angkas driver ni Gazini pala ay isang pastor . (Timmy Basil)