Aprubado na ng House Trade Committee ang panukalang batas na tuluyang magbabasura sa expiration date sa mga gift cheques at certificate.
Sa House Bill 3091 o New Gift Cheque Act of 2016 na inakda ni Quezon City Rep. Winston Castelo ay ipinatatanggal na ang expiration dates sa mga GCs, certificate at check o card at maaari itong gamitin kung kelan naisin ng isang consumer dahil maituturing umano na good as cash ang mga ito.
Maikokonsidera lamang umano na invalid ang mga ito kung nabura na ang security features nito.
Maliban sa pag-alis ng expiration dates ay inaatasan din ang mga suppliers na tiyakin ang security features ng mga GC upang hindi mapepeke.
Sa oras na maging batas ay ang DTI ang siyang inaatasan na maglatag ng rules and regulations sa pagpapatupad nito.