GCQ sa Cotabato, Soccsksargen, 1-buwan pa

Higit isang buwan o tatagal pa hanggang hanggang June 30, 2020 ang General Community Quarantine (GCQ) sa Cotabato at Soccsksargen.

Nabatid na sa probinsya ng Cotabato ay paiiralin pa rin ang national public health emergency kontra Covid 19.

Bukod dito ay kabilang at mananatili din sa GCQ mula Hunyo 1 hanggang katapusan ng buwan ang mga siyudad ng Tacurong, Kidapawan, Koronadal at General Santos o Soccsksargen.

Ang pagpapalawig ng GCQ sa mga nabanggit na lugar, ayon na rin kay Kabacan Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr ay bilang proteksyon na rin at kabawasan sa mga nadadaleng biktima ng Covid 19.

Sa ngayon ay patuloy sa paghihigpit ang mga awtoridad sa mga checkpoint at upang makontrol ang nakahahawang sakit ay guwardiyado nila ang bawat lagusan sa nabanggit na mga lugar.