GCQ sa Hunyo tinulak ng 14 Metro mayor

Nagkasundo ang 14 sa 17 mayor ng Metro Manila na ilipat na sa general community quarantine (GCQ) ang mga lugar na sakop ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa darating na Hunyo, ayon kay Paranaque City Mayor at Metro Manila Council chairman Edwin Olivarez.

“Prolonged community quarantine will have severe economic effects which in and of themselves, will impact the lives of people so negatively,” sabi ni Olivarez .

Ayon kay Olivarez , nakatakda silang magpulong muli sa Miyekules upang makabuo ng isang rekomendasyon kung dapat o hindi ibaba ang quarantine status sa Metro Manila.

Ilang sector ang pinayagan nang mag-operate simula noong Mayo 16 sa ilalim ng MECQ na mataas pa rin ang banta ng COVID-19 kasama na ang Metro Manila, na naglalayong tumakbo na muli ang ekonomiya na labis na pinadapa ng novel coronavirus pandemic.

Ilang lugar na may `low to “moderate’ risk para sa outbreak ang isasailalim sa GCQ kung saan may aalisin nang restriction o pagbabawal.

Sa ilalim ng GCQ, pinapayagan ang public transportation bagamat limitado ang capacity. Pinayagan din ang balik-trabah ng ilang sector bukod sa pagbubukas ng ilang `non-leisure’ establishments .