Mga laro ngayon:

(Smart Araneta Coliseum)

4:30 pm – Columbian vs Phoenix

7:00 pm – NLEX vs TNT

Iginarahe ng Phoenix si injured Eugene Phelps, tinapik si NBA vet Alonzo Gee sa pag-asang mapaypayan ang tsansa ng Fuel Masters sa playoffs ng PBA Governors Cup.

“Hopefully, mag-click new import namin,” ani coach Louie Alas.

Masusubukan si Gee laban kay Khapri Alston at Columbian Dyip sa first game sa alas-4:30 nang hapon ng double-header sa Smart Araneta Coliseum mamaya.

Huling naglaro ang 32-anyos na si Gee sa Brisbane Bullets sa National Basketball League sa Australia. Nakapagsuot siya ng uniporme ng Cleveland Cavaliers, New Orleans Pelicans, Washington Wizards, Portland Trail Blazers at San Antonio Spurs.

Pangatlong import sa season-ending conference si Gee na may NBA experience kasunod nina KJ McDaniels ng TNT at Manny Harris ng NLEX.

Noong isang linggo pa dumating si Gee, nakailang ensayo na rin sa Fuel Masters.

Nasa 9th-11th ang Phoenix, kabuhol sa 2-5 ang Rain or Shine at Blackwater.

Nakikipagsiksikan sa 6th-8th ang 3-4 Dyip kasama ng Magnolia at NorthPort.

“We cannot afford any more slip-ups,” lahad ni Columbian coach Johnedel Cardel. “Pahirap na ng pahirap ang labanan. The good news is, we still have our destiny in our hands. We just have to do our part.”

Sina Alston at CJ Perez ang pangunahing problema ng Phoenix. Nag-a-average si Alston ng 29.3 points, 18.4 rebounds at 3.8 assists per game, si Perez ay 23.1 markers, 8.8 boards, 3.5 dimes at 2.2 steals bawat outing.

“We’ll try to contain Alston and Perez, plus (Rashawn) McCarthy, (Jackson) Corpuz and (Juami) Tiongson,” giit ni Alas. “The Dyip are extra good this conference. Number 1 sila in offensive rebounds, second chance points at points off turnovers. I mean, kung tutulog-tulog kami, then we’re in big trouble.” (VE)