Kumpiyansa si Pinoy Mixed Martial Arts fighter Geje “Gravity” Eustaquio na itataas ang kanyang kamay pagharap nito kay Anatpong “Mak” Bunrad ng Thailand sa undercard ng ONE: DYNASTY OF HEROES sa Kallang, Singapore sa May 26.

Galing sa talo ang 28-year-old na tubong Baguio na si Eustaquio, yumuko kay submission specialist Toni Tauru noong December.

Sisikapin ng dating teacher na si Eustaquio na makabawi kay Bunrad na tumalo sa kanya via split decision noong April 2015 sa ONE: VALOR OF CHAMPIONS.

Naniniwala si Eustaquio na kaya niyang manalo kay Bunrad. Natuto na raw siya sa mga una niyang mistakes.

“Singapore, be ready. I am bringing the fireworks to you,” banta ng Pinoy fighter.