Gen. Bato: ‘Di hitman si Matobato

Tsismis lamang na hitman si Edgar Matobato.­ Ito ang matigas na pahayag­ ni PNP chief ­Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa kasabay ng paglilinaw na hindi intelligence validated na hitman si Matobato.

Kinontra rin ni Dela­ Rosa ang pahayag ni Sen. Antonio Trillanes IV na imposibleng nagsisinu­ngaling si Matobato ­sapagkat ang PNP chief raw mismo ang nagkumpirma na hitman ito.

“Hindi naman luma­ba­s ang pangalan ni ­Matobato sa validation ng intelligence,” wika pa ni Dela Rosa.

Si Matobato mismo ang nagbunyag na ilang mga pulis sa Davao na kanyang pinangalanan na miyembro ng Davao Death Squad (DDS).

Kaugnay nito, tahasan ding inamin ni Dela Rosa na naaapektuhan ngayon ang PNP sa patuloy pagdinig kaugnay sa isyu ng extrajudicial killings.

Pero tiniyak ng chief PNP na hindi ito makakapagpabagal sa kanilang kampanya laban­ sa iligal na droga­ lalo na at may target ­silang timeline.