Gen. Ramos agaw-buhay sa helicopter crash

Kasalukuyang nakikipaglaban sa kanyang buhay si ­Major ­General Joevic Ramos, isa sa walong matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sakay ng helicopter na bumagsak sa San Pedro, Laguna noong Huwebes ng umaga.

Ito ay taliwas sa naunang balita na sumakabilang-buhay na ang opisyal na kasalukuyang ginagamot sa Asian Hospital sa Muntinlupa City.

Si Ramos na kasalukuyang PNP comptrollership chief ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo makaraang bumagsak ang sinasak­yang Bell 429 chopper kasama sina PNP chief Gen. Archie Gamboa, PNP intelligence director Mariel Magaway at PNP spokesman Bernard Banac makaraang sumabit sa kable ng kur­yente na dahilan upang bumagsak ang helicopter.

Kasalukuyan pa ring nakaratay sa ospital si Police Maj. Gene­ral Mariel Magaway, PNP Director for Intelligence. (Armida Rico)