Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
12:00 noon — St. ­Benilde vs. Lyceum
2:00 p.m. — Mapua vs. Perpetual
4:00 p.m. — San Beda vs. Arellano

ncaa-letran-eac
Sinabayan at pinagtulungan nina Felix Apreku (4) at Jom Sollano (5) ng Letran ang lipad ni Hamadou Laminou ng EAC. Tinakasan ng Knights ang ­Generals sa overtime, 93-87. (Jhay Jalbuna)

Nakakuha ng pampalubag-loob ang deposed champion Letran Knights matapos kaldagin sa overtime ang Emilio Aguinaldo College Generals, 93-87, kahapon sa Season 92 ng NCAA men’s basketball sa The Arena, San Juan City.

Tumipa si Jom Sollano ng 18 points at 12 rebounds para sa Knights na tumapos ng 9-9 karta kasalo sa fifth place ang JRU.

Bumakas sina Rey Nambatac at John Quinto­ ng 15 at 12 markers, may tig-11 sina Jerrick ­Balanza at John Calvo.

Halos hawak na ng Letra­n ang panalo sa fourth quarter matapos lumamang ng 10 puntos 72-62, 4:10 sa laro.

Pero unti-unting huma­bol ang Generals sa pangunguna ni import Hamadou Laminou at naitabla sa 82-all may 0.8 seconds na lang kaya nauwi sa overtime.

Sa extra period hind­i na pinakawalan ng Knights ang panalo ­matapos lumamang ng limang puntos.

Naselyuhan ang panal­o ng Letran nang isalpak ni Calvo ang dalawang free throws.

Sinabi ni Letran coach Jeff Napa na magiging matatag ang kanilang koponan sa susunod na taon.

Kumana si Laminou ng 23 points at 18 boards para sa EAC na may 6-12 baraha may 23 din si Sidney Onwubere.

Sa unang laro, taas-noo ding tinapos ng San Sebastian ang season pagkatapos suwagin ang Heavy Bombers, 85-58. Nagtala ang Stags ng 8-10 card.