Malapit na ang pasa­han ng line ups para sa 2017 season ng Philippine SuperLiga, at dahil hindi maganda ang naging kampanya ng ­Generika sa PSL Grand Prix ay magpapa-tryout ang Lifesavers para ­palakasin ang team.

Ayon kay coach Francis Vicente wala kahit isa sa mga dating players ng Lifesavers ang nakasisi­guro na makakasama sa line up. Buong squad ay i-o-overhaul.

Sa dalawang araw na tryout ay umaasa ang ­Generika na makakabuo ng competitive squad.

Kahit sina key players Rubie de Leon, Wensh Tiu, Shaya Adorador, Chloe Cortez at Ria Meneses ay hindi rin safe na masasama kaya sinabihan ni Vicente ang mga dating miyembro ng Generika na magpakitang gilas sa tryouts.

Nagpapalakas ­naman ng line up ang ibang teams, kasama ang back-to-back Grand Prix champion Foton para paghandaan ang susunod na giyera.

Baka hindi muna sumali ang RC Cola-­Army sa susunod na season dahil halos ­lahat ng kanilang players ay ­sasabak sa military training.

Anim na ­buwang wala sina Lady ­Troopers Jovelyn Gonzaga, Tin Agno, Nene Bautista, Joanne Bunag at Honey Royse Tubino, napaulat na ire-retiro na nina ­Michelle ­Carolino at ­veteran setter Tina ­Salak ang kanilang jerseys.