Generika nabingi kay Bell

Maganda ang simula ng Petron sa pakay na three-peat makalipas wa­lisin ang Generika-Ayala, 25-22, 25-22, 25-21, sa pagsisimula ng Philippine Superliga Grand Prix kagabi sa FilOil Flying V Centre.

Tulad ng inaasahan, inako ni American import Kath Bell ang opensa ng Blaze Spikers para sa ­unang panalo sa torneong suportado ng Cocolife, Sogo, Eurotel, Sweet and Fit Stevia, UCPB Gen, Team Rebel Sports at Bizooku.

Naglista si Bell ng game-high 17 point katuwang sina Remy Palma at Lutgarda Malaluan sa ligang katuwang din ang Gerflor, Senoh, Asics, Mikasa at Mueller Sports bilang technical partner.

Umiskor si Palma ng 11 point habang si Malaluan ay may anim na marka.
“It was a good win for us, a lot of people were doubting on us during the off season,” sey ni Petron coach Emil Lontoc.

“But we were optimistic about our team and it anchored us to our win.”
Inamin ni Lontoc na morale booster ang three-set win dahil sa malaking rigodon ng team bago ang season matapos magsipag-alisan sina Mika Reyes, Sisi Rondina, Bernadeth Pons, Denden Lazaro at Rhea Dimaculangan.

Sa ikalawang laro, winalis din ng Sta. Lucia Lady Realtors ang PLDT Home Fibr, 26-24, 25-23, 29-27, sa pamumuno ng import na si Shainah Joseph.
(Aivan ­Episcope)