tumilapon

Mga laro mamaya:
(Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Center)
2:00 pm – Cignal vs Sta. Lucia
4:00 pm – F2 Logistics vs Generika-Ayala
6:00 pm – Petron vs Marinerang Pilipina

Nagliyab ng 14 points sa likod ng 12 attacks at 2 blocks si Bernadeth Pons nang saktan ng Petron ang Generika-Ayala, 25-21, 25-14, 25-20, sa 7th Philippine Superliga Inviational Cup 2019 eliminations third game Lunes ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Sariwa pa sa straight win din nitong Sabado sa F2 Logistics, ang second straight victory ng Blaze Spikers ang nagpasolo rito sa Group B lead sa 8-team season-ending women’s indoor volleyfest, habang hinaltak ang Lifesavers sa 1-1.

Tumirada naman ng 17 markers si Ara Galang, bangon agad mula sa pagkadapa ang Cargo Movers kontra Petron tapos walisin ang Marinerang Pilipina, 25-14, 25-17, 25-11, sa second game.

Kasanib-puwersa ni Galang na may 14 kills at 3 blocks na kinayod sina Majoy Baron at Kianna Dy upang ilista ang 1-1 karta ng reigning All-Filipino champions, at isalya sa 0-2 ang Lady Skippers.

Ayuda kay Galang sina Baron at Dy ng tig-12 markers, samantalang si Kim Fajardo na ‘di maganda ang kinilos sa nakaraang confe­rence dahil sa injury sa daliri’y tumipa ng 21 excellent sets.

“Our previous lost was a wake-up call but knowing my team, they adjusted right away,” suma ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus. “The players showed the real game of F2 Logistics unlike our last game.”

Pumalo naman si Shaya Adorador ng 15 pts. para giyahan ang Foton sa pagkalso sa kambal na kamakalasan, sinagasaan ang PLDT Home Fibr, 25-21, 25-20, 25-18, para parehasan ang karta ng biktima sa 1-2. (Elech Dawa)