Ibinulsa ng Generika ang ika-limang puwesto matapos padapain ang Cignal, 18-25, 25-22, 25-22, 23-25, sa Philippine Super Liga All Filipino Conference sa The Arena sa San Juan kahapon.

Nagtala si Wensh Tiu ng 12 puntos para sa Life Savers.

Hindi na binigyan ng pagkakataon ng Generika ang Cignal sa fifth set at agad itong umarangkada sa, 11-4, na kalamangan patungo sa panalo.

Samantala, nakuha ng Standard Insurance Navy ang ika-pitong puwesto matapos durugin ang Amy’s, 25-13, 25-17, 19-25.

Gumawa si Pau Soriano ng 18 puntos at sina Carissa Martinez at Hezymie Acuna ay may tig-10 marka para sa Corvettes.

Para kay Standard Insurance Navy coach Nene Chavez may mga maling ­desisyon siya ngunit handa siyang akuin ang mga ito.

“Minsan talaga ‘pag coach, aminin natin hindi lahat ng desisyon tama,” saad niya.  Nagbalasa ng tao si Chavez sa third set na kinapitalan naman ng Amy’s para pahabain pa ang laro.

Nakabawi ang Corvettes sa fourth set nang magpa­kawala ito ng mabibigat na serve para kunin ang kalamangan, 8-1.

Nagtala si Lourdes Clemente ng 11 puntos at si Jowie Albert Verzosa ay nag-ambag ng 10 para sa Amy’s.