Geoff in love na in love sa baby ni Maya

HALATANG in-love na in-love sa ngayon si Geoff Eigenmann sa kanyang baby girl sa girlfriend na si Maya. Proud din kay Geoff si Maya dahil talagang hands-on daddy rin daw ito.

Ganundin ang nakikita ng mga kamag-anak ni Geoff tulad ni Gabby Eigenmann na masaya para sa pinsan niya. Sabi nga, baby is a blessing.

Balita naming may sisimulan na bagong serye si Geoff sa GMA-7. For a while ay gumawa muna siya sa ABS-CBN, pero mukhang natagalan pa ‘yung follow-up and good thing naman, he’s not under contract naman to any network pa kaya sa Kapuso na naman mapapanood si Geoff.

This time din, ang balita namin makakasama ni Geoff sa teleseryeng ito angm niya na si Gina Alajar, not as a director but as a co-actor.