Ibinaon ni Paul George ang go-ahead 3-pointer laban sa dating team 25 seconds nalang para buhatin ang Los Angeles Clippers sa 90-88 win laban sa Oklahoma City Thunder Lunes nang gabi sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

Iniupo si Kawhi Leo­nard dahil sa nananakit na tuhod, malamya ang opensa ng Clippers kaya bumawi sa depensa.

“It’s any other game but it was fun to see fami­liar faces and share some laughs,” ani George, itrinade ng Thunder sa Clippers nitong offseason.

Bumalik din ng LA si Chris Paul na nasa OKC na tapos i-trade ng ­Houston kapalit ni ­Russell Westbrook. ­Naglaro sa Clippers si Paul mula 2011-17.
Itinabla ng Thunder ang laro sa 86 sa tres ni ex-Clipper Danilo Gallinari, lumamang ng dalawa sa free throws ni Paul mula sa foul ni George. Binawi agad ng LA 89-88 sa 3 ni George.

Natawagan ng foul si Maurice Harkless kay Gallinari pero nabaligtad sa replay challenge ni Clippers coach Doc Rivers.

Sablay ang open 3 ni Gallinari sa huling bitaw.

“The last shot Gallo took, I cringed. I’ve seen that movie before,” ani Lou Williams, umayuda ng 11 points at 9 assists sa LA. “Wide open at the top of the key, that’s his shot. Luckily for us it rimmed out.”

Isinara ng free throw ni George sa final 0.3 seconds ang laro. (VE)