George pinaliguan ng boo sa Indiana

‘Di tinigilan ng boo si Paul George sa Indiana Lunes ng gabi.

Pero dedma lang siya, sa halip na maasar ay nanalasa.

At natahimik ang crowd sa kanyang plays at baskets sa 74th NBA 2019-2020 regular season game.

Umiskor ng 36 points ang dating Pacers star, may 9 rebounds at season-high 7 3-pointers, namigay pa ng 5 assists sa una niyang laro sa Indianapolis bilang miyembro ng Clippers para akayin ang Los Angeles side sa 110-99 win.

“It brings incentive when the moments are dead, it brings energy when moments are dead, it brings an aggression when moments are light,” litanya ni George. “I feed off it. It’s fun.”

Nag-ambag si Montrezl Harrell ng 26 points at 8 ­rebounds, tumapos si ­Patrick Beverley ng 11 points, 12 ­rebounds at 5 assists. ­Humablot ng 14 boards si Maurice Harkless.

‘Di pa nakakalimutan ng fans sa Indiana nang biglang humingi ng trade si George tatlong taon na ang nakakaraan.

Napunta siya sa Oklahoma City, nitong July ay tumawid ng LA para makipagtambalan kay Kawhi Leonard sa ­Clipper. (VE)