Proud na inanunsiyo ng model na si Georgina Wilson ang kanyang pagdadalantao for the second time. Bongga ang kanyang announcement dahil sa kanyang hot na larawan na bakat ang kanyang baby bump.
Aniya sa Instagram, “Another adobo loving baby coming right up.” Ang kaniyang first born baby boy ay si Archie na isinilang noong December 2016.
Biniro pa nga siya ng kaniyang asawa na si Arthur Burnand dahil sa kasuotan niya sa nasabing larawan. Ani Arthur, “Darling, why do you need a snakeskin trench…. we live in the tropics! And aren’t you supposed to be buying maternity clothes?? Hahaha”
Sa ngayon ay anim na buwan na ang kanyang dinadala at inaasahan na manganak siya sa buwan ng Hunyo.
Samantala, hindi niya inanunsiyo kung ano ang gender ng kanyang baby. Pero binuking na ito ng malapit na kaibigan niya na si Isabelle Daza.
Ani Isabelle, “My Baby Boi.” (Ronaline Avecilla)