NI: RONA RONDA

Ngayong extended na ang enhanced community quarantine, may ilang aktor ang nagkaroon ng malaking pagbabago sa itsura. Nagkaroon na kasi sila ng oras para magpahaba ng kanilang mga balbas at bigote.

Nagtrending pa ang manly look ng aktor na si Gerald Anderson dahil sa kanyang short boxed beard. Ibinahagi niya ang walang kaahit-ahit na selfie sa kanyang Instagram story.

Maging ang aktor-politician na si Alex Castro ay hindi rin nag-ahit ngayong ECQ. Balbas sarado siya dahil sa pagiging abala sa pagtulong sa mga frontliners.

Pero may mga nag-message na umano sa kanya tungkol sa kanyang balbas kaya’t sinabihang ahitan na.

Pakli niya: “Sa mga nagmemessage sakin na mag shave na ako sorry po hindi po ako mag shave hanggat hindi pa po naalis ang ECQ panata ko po yan anti Covid po yang balbas na yan.”

Gayundin ang aktor na si Gabby Concepcion na hindi rin makikilala dahil sa makapal niyang balbas at bigote. Madalas kasi siyang makita na makinis ang mukha simula pa noong araw.

Sabi pa ni Gabby, tumubo na ang buhok sa kanyang mga mukha at nagbiro pa siya na pakatapos ng 30 days ay baka sa puno na siya mag-vlog dahil puro buhok na ang buo niyang katawan.

Nagbiro pa sa komento ang anak niyang si KC at tinawag siyang si Wilson.