Gerald at Aicelle nagsama na sa Miss Saigon

aicelle-gerald

Nagkita na sina Gerald Santos at Aicelle Santos para sa Miss Saigon UK Tour. Si Aicelle ay gaganap na Gigi at si Gerald ay bilang Thuy para sa panibagong contract niya.
Ano ang feeling ni Gerald na makakasama niya ang kapareho niyang produkto ng Pinoy Pop Superstar?

“Nu’ng Sunday lang kami nagkita! Ayun nakakatuwa …mga simple things lang ang napag-usapan namin kasi first time n’ya rin daw nahiwalay sa fa­mily at mamuhay mag-isa.

“Ang cute n’ya dahil nakita ko rin ang sarili ko nu’ng una akong makarating ng London! As in clueless din sya sa lahat ng nangyayari at lutang pa dahil it’s hard to believe talaga pag nakarating ka na dito,” lahad ni Gerald nang maka-chat namin sa Messenger.

Dagdag pa ni Ge: “Nagkuwentuhan siyempre sa buhay at career, tapos sinamahan ko s’yang bumili ng boots dahil gusto n’ya raw magkaron ng magandang boots from UK. Sinamahan ko rin siyang mamili ng ilan n’yang groceries! Nakakatuwa at sobrang na-miss namin ang isa’t isa! Pinatikim n’ya ako ng 2nd Adobo of her life daw (pangalawang pagluluto pa lang ng adobo) hahaha.. Ang sarap! Hindi rin daw sya nagluluto pero sabi ko kagaya ko noon, matututo na rin s’ya at eventually dadami na ang alam n’yang lutuin!”

“Ang advice ko lang binigay na kay Aicelle ay relax lang s’ya. I’m sure naman na kayang-kaya nya ang role ni Gigi.. Mamaya pa lang mag-start ang rehearsals nila actually so very anxious sya on what to expect.. Sabi ko sa umpisa lang lahat, talagang manga­ngapa ka and makikiramdam, but eventually pag na-absorb mo na lahat and nag-show na, magiging adjusted din sya sa lahat! So work and life balance lang!

“Excited na ako na makita at marinig ang flavor na ibibigay n’ya kay Gigi! I’m very happy and proud for her!,” sey pa ni Gerald sa chat.

Hanggang March 2019 pa si Gerald sa Miss Saigon UK Tour. Bale makakadalawang taon siya sa Miss Saigon. Pero ngayong Mayo ay uuwi siya ng Pilipinas para pumirma ng kontrata sa Star Music. Ilang araw lang siyang magbabakasyon.