Gerald, Elmo kakilig ang bromantic akbayan

Ang diva that you love, sa hindi maipaliwanag na dahilan, may naramdamang kilig matapos mapanood ang panayam nina Gerald Anderson at Elmo Magalona sa solidarity rally.

Bakit kaniyo? Very bromantic ang dating sa inyong lingkod ng pag-akbay ni Anderson kay Magalona habang sila ay kinakausap ng reporter.

Ako lang ito ha pero ang basa ko sa aking pinapanood na pag-akbay, parang ang gustong iparating ni Gerald kay Elmo at sa lahat ay”Bro, I am here with you, hindi ka nag-iisa,” O kaya, “Bro, you’ve got me, we are doing this together.” Pasok na pasok rin sa kalandian ko ang emote na, “Bro, ang laban mo, ay laban ko rin.” Sabi???? Hahahahaha!

Sa true lang, nakakatuwa kasi na ang mga lalaking ito ay so secure with their friendship at masculinity. They do not mind na captured sa camera ang brotherly at friendly akbay ni Anderson kay Magalona.

Kung may bromance na nga silang dalawa, wala namang masama. Puwede namang maging touchy-feely ang dalawang lalaki sa isa’t-isa na wala namang malisya,

Kaso, maraming malisyoso at malisyosa sa paligid-ligid ng linga at kasama ang diva that you love sa grupong team malisya. Hahahahaha!

Maricel nakibaka: Sharon hinahanap sa rally ng Dos

Ang pinakamaningning na artistang rumampa sa katatapos kamakailan na walk of faith, prayer at solidarity rally siyempre pa ay ang nag-iisang Diamond Star, Ms. Maricel Soriano.

Kasama ang seasoned friend niya nagsimula pa noong “Kaluskos Musmos” days nila si Maila Gumila at manager nitong si Ms. Veana Fores, a vision in luntian si Inay Marya. Freshness at palaban, huh!

Sa true lang, bilang tagasubaybay ni La Soriano, nakakatuwang masilayan ang mga larawan niyang kasama sa pakikibaka at pagsuporta sa network na kanyang pinaglilingkuran bilang mahusay na aktres.

Ang tanong, ang Megastar Sharon Cuneta na karibal ni Inay Marya sa karera, kailan kaya magpapakita sa solidarity rally? Makaka-asa ba tayo pag tapos na ang tampuhan nila ni Kristina Cassandra Concepcion ay bubuluga na si Ate Shawie sa Sgt.Esguerra kung saan tuwing Biyernes, may pangmalakasang pagsasama-sama?

Panalo kung kakanta si ang dating Madam Chairman sa rally, best song choice ang “Sana’y Wala Nang Wakas” dahil dapat, walang wakas ang istasyon, hindi ba naman?

Ang Star for All Seasons, Vilma Santos na palagiang ang mga pelikula ay sa Star Cinema, ngayong Marso na at the clock ticks like a time bomb na talaga para sa franchise renewal, pwede kaya natin siyang mapanood na mag-deliver ng very-“Sister Stella” speech sa pagtitipon?

Bukas na aklat na si Congresswoman Santos-Recto ay isa sa mga nasa House of the Representatives na may panukalang dapat na talagang talakayin at gawing priority ang usapin tungkol sa prangkisa.

Eh ang nag-iisang Nora Aunor, na sa kasalukuyan ay ang superstar movie queen sa Kapuso station, panalo ba kung sakaling mag-oober da bakod siya kahit saglit lamang para makisama at sumuporta sa ipinaglalaban ng mga taga-Dos?

Sa true lang, ang pinaka-gusto ko sa ginawang ito ni Maricel Soriano, alam mong hindi ito publicity stunt for her. Alam mong ang puso niya ay nasa tama lamang at gusto niyang ipadama sa mga Kapamilya at sa ating lahat na dapat laging manaig ang tama.

Mabuhay ka, minamahal naming Diamond Star!