Gerald Anderson
Gerald Anderson

POSIBLENG magkaroon ng rematch ang all-star basketball game ng Star Magic artists na pina­ngungunahan nina Gerald Anderson at Daniel Padilla.

Sabi ni Gerald nang nakatsikahan namin sa presscon ng Cosmo Cee ng Bargn Pharmaceuticals, nakakatuwa na nabibigyan sila ng chance na makapaglaro ng basketball kahit punung-puno ang schedules nila.

“Syempre, naka­katuwa kasi ­artista kami, nabibigyan kami ng ganu’ng oppor­tunity para maglaro sa harapan ng maraming tao.

“Hindi lang siya celebrity game, it’s a very competitive game pa. Kumbaga, ‘yung mga nag­bayad at ‘yung mga nanood sulit ‘yung oras na binigay nila.

“Why not? Ako pa ang tinatanong n’yo,” masayang pahayag ni Gerald.

Aware silang posibleng magkakainitan, kagaya ng nangyari kina Daniel at JC de Vera. Hindi raw maiwasan iyun lalo na’t kung ­gusto ng lahat na manalo sa ­larong iyun.

“‘Pag naglalaro, ganu’n talaga ka-intense eh. Hindi talaga maiwasan ‘yun, eh. Kaya masaya.

“Masaya ‘yung laro na nakikita na intense talaga. Kaya nangyari lang ‘yun, kasi, ayaw naman ng may gustong magpa­talo eh,” naka­ngiti ­niyang pahayag.

Fit na fit si Gerald kaya nakikeri niyang maglaro at magbigay ng maraming puntos kapag naglaro sila.

Sabi nga niya sa presscon ng Cosmo Cee, ma­laking bagay na meron kang supplements at vitamins kagaya ng Vitamin C na Cosmo Cee ­dahil dito ­nakaka-recover ang katawan kapag ma­papasabak sa mga intense na workout at paglalaro.

Nagpapasalamat siya sa Bargn Pharma­ceuticals nina Red Gatus at Niño Bautista dahil magmula nang kinuha siyang endorser nitong Cosmo Cee, hindi na raw siya nagkakasakit.

Tatlong taon na siyang nag-e-endorse ng Cosmo Cee, tatlong taon na rin siyang hindi nagkakasakit nang matindi.