Gerald, hirap na hirap kay Bea

Bea at Gerald

NAKYUTAN kami sa post ni Gerald Anderson sa Instagram na may caption siyang, “Not bad for a GenSan boy… grateful heart,” at ipapa-laminate niya raw ang poster ng movie nila ni Bea Alonzo na How To Be Yours.

May pa-hashtag pa siyang ‘never stop dreaming’ at ‘be the best you’ na para bang hindi siya makapaniwala na nakasama niya sa pelikula si Bea na minsan niyang nakarelasyon.

Ang sabi sa amin ni Gerald sa presscon ng Star Cinema movie, nu’ng nasa GenSan pa siya na wala siyang kaalam-alam sa showbiz dahil kababalik lang niya mula Amerika ay nakita niya sa TV si Bea.

Mga 14 o 15-anyos siya noon at hindi pa siya nakakaintindi ng Tagalog.

Nakita niyang pinapanood ng isang kaibigan niya si Bea sa teleseryeng Ikaw Ang Lahat sa Akin at napatanong siya sa friend niya ng, “Sino ‘yan?” dahil gandang-ganda siya kay Bea.

Sobrang hindi naisip ni Ge na one day ay magiging girfriend niya si Bea. Unbelievable ito at hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala.

“Nu’ng nag-shooting nga kami nu’ng first day namin, sobrang hirap na hirap ako. Parang hindi ako makapaniwala na kaeksena ko siya.

“‘Yung eksena namin, lalabas siya ng gas station, may dala siyang kape. Tapos, pagharap ko sa kanya, ‘yung parang, ‘Hala, hala, hala!’

“Gumaganu’n na ‘yung isip ko. ‘Oh no, oh no, oh no!’ Anong nangyayari?

“As in natulala ako. At iniisip ko, ‘Ano ngang linya ko?’ But more than ‘yung parang oo, crush ko siya, parang grateful ako na nila­gay ako sa ganitong sitwasyon na kasama siya,” masayang sey ng Kapamilya hunk.

Nanghinayang ba siya na hindi nagtagal ang relasyon nila ni Bea?

“Oo naman, oo naman.”

Siya ba ang may kasalanan kaya sila nag-break?

“Direkta na ‘to, ah? Ha! Ha! Ha!

“Oo, ako. Sabi nga niya (Bea), parang immature, batang isip ako. Ako mismo, sinasabi ko ‘yon.

“Natakot ako sa mga nangyayari sa paligid namin, hindi ko alam kung paano i-handle. Ayun.”

Wala namang third party sa kanya?

“Wala, walang third party.

Single ngayon si Ge dahil wala rin siyang oras mag-lovelife. Ang dami niyang trabaho at marami rin siyang ibang ginagawa outside showbiz.

Hirit niya, hindi siya naghahanap ng girlfriend, pero hindi ibig sabihin ay hindi siya open sa kung sinumang darating sa buhay niya.

Mas naka-focus lang sa ngayon sa ibang bagay.

***

Kamakailan lang ay hinirang siyang Lieute­nant sa Philippine Coast Guard, kaya tinanong namin si Ge kung puwede siyang ipadala kapag nakipag-giyera tayo sa China dahil sa West Philippine Sea.

“Hindi naman po kami panggiyera. I wish! Gusto ko, kung puwede lang,” sambit ni Ge­rald na search and rescue raw ang gawain ng kanilang K9 Special Support Squadron sa Phil. Coast Guard.