NI: VINIA VIVAR

Ang bigyan ng pagpupugay sa frontliners ang unang-unang gagawin ni Gerald Anderson once na matapos na ang lockdown sa bansa at bumalik na sa normal ang lahat.

Ayon kay Gerald sa “Magandang Buhay”, napakalaking sakripisyo raw ang ginawa ng ating mga frontliners kaya sana raw ay makagawa naman tayo ng ‘something’ sa mga ito once na natapos na ang lahat.

“Sana huwag po nating kalimutan ‘yung mga nagawa nila. ‘Yung hindi nila nakakasama ‘yung pamilya nila, exposed sila sa virus at ginagawa pa rin nila ‘yung best nila para pagalingin ‘yung mga may COVID-19, para magbantay sa checkpoint. . .

“Sana, makagawa tayo ng something para makapagbigay ng celebration para sa kanila,” pahayag ni Gerald.

Kung sa personal na buhay naman niya ang tatanungin, siyempre kapag nabalik na sa normal ang lahat, magbabalik na rin siya sa trabaho.

“Back to taping, and ‘wag nating sayangin ‘yung nagawa natin para sa mundo,” he said.