Kakaunti kami sa sinehan nang manood kami ng “Between Maybes” nina Gerald Anderson at Julia Barretto sa SM North EDSA Cinema.

Hindi ganu’n kalakas ang screen chemistry nina Gerald at Julia pero interesting ang tandem nila at matino ang kanilang pelikula. Sayang at mahina ito sa takilya.

Ang taas ng energy ni Julia sa movie bilang dating sikat na child star na si Hazel, na palaos na at gusto nang talikuran ang pag-aartista.

Keri ni Julia ang karakter niyang may pagkabobita dahil Grade IV lang ang inabot niya at akting lang ang alam niyang gawin sa buhay.

Sey ng talakera niyang ina na si Yayo Aguila, pasa­lamat siya’t pinanganak siyang maganda dahil boba siya. In fairness ay nakakatuwa ang karak­ter ni Julia kahit maingay ito at syusyunga-syunga.

Jologish din ang dala­ga na ang lutong magmura. Benta sa amin ‘yung hirit niya kay Gerald na sa loob ng hotel na, “Dyudyugdyugin mo ba ako?”

Walang dyugdyugan na naganap. Hanggang kiss lang ang GerLia, na paniniwalaan mo dahil sobrang kalma ng laking-Japan na karakter ni Ge­rald na si Louie at hindi ito ‘yung tipong mamanyakin ang babae kahit nakitulog na ito sa bahay niya.

Kahit silang dalawa lang palagi ang nasa eksena ay hindi boringga ang pelikulang kinunan sa Saga, Japan at maayos ang pinatunguhan nito kahit hindi ‘yung usual happy ending.

Sobrang natural dito si Gerald at parang hindi ito umaarte. Habang nagma-mature ay mas nagiging reliable leading man si Ge at puwede siyang ipareha kahit sa mga mas bata sa kanya.

Mukhang mas malayo pa talaga ang tatakbuhin ng career ni Gerald sa showbiz kumpara sa dati niyang ka-love team at nobya na si Kim Chiu.

Kulang sa promo at mukhang nagtipid ang Black Sheep sa “Between Maybes” na hindi nagklik sa audience.

(‘Yan ang resulta na parang ‘di sila naniniwala sa press. Kumita lang naman ang LizQuen movie dahil may fan base ‘yun. Kumita ang Angelica-Carlo dahil nasabik ang tao sa tambalan nila. ‘Yung ibang prodyus nilang movie, nganga sa takilya – ED)

***
Dating reyna ng Kapuso strongest
defender ng Dos

Bumaha ng gra­titude posts sa social media para sa ABS-CBN dahil sa mga hanash at kuda ni Jimmy Bondoc laban sa Kapamilya network.

Bumuhos ang pasasa­lamat ng Kapamilya stars sa kanilang home network, na ayon sa mga DDS ay nagbabadyang maipasara kapag hindi ni-renew ni Digong ang franchise nito next year.

Ginamit nila ang 65 years na logo ng ABS. Ang caption ni JM de Guzman sa kanyang post ay may PS na dirty finger emoji. As in nginaratan nito si Jimmy Bondoc, parang ganern.

Napansin lang namin na si Angel Locsin ang pinakamatapang magtanggol sa ABS-CBN ga­yong dati itong taga-GMA at hindi naman ito homegrown Kapamilya.

Nasaan sina Bea Alonzo, Angelica Pa­nganiban, Piolo Pascual at Vice Ganda na mga taal na Kapamilya at yumaman nang husto sa istasyon?

Bakit tila nananahimik sila habang binibira ang tahanan na matagal nilang pinakinabangan? ‘Yung isang dating Kapuso pa ang strongest defender ng network nila. Anyareh?!

Daig pa sila ng indie filmmaker (at direktor ng “Liway”) na si Direk Kip Oebanda na ang taray ng tweet na, “Napaka-basu­rang tao naman ni Jimmy Bondoc. Imagine being so basura that you’re happy to see the curtailment of speech, that your artists friends lose their jobs, the network that took care of your career falls, that the masses lose entertainment. Basurang tao with basura ideas.”