TAPOS na ang 24 shows ng Miss Saigon UK/Ireland Touring Production sa Curve Theatre sa Leicester.

Nasa Birmingham Hippodrome na ang tropa para sa kanilang second leg.

Siyempre pa, proud to make kwento ang ating very own Thuy, si Gerald Santos, may bonggang notices para sa kanyang performance during the first touring leg.

Mula kay Philip Lowe, eastmidlandtheatre.com, “Santos is brilliantly dominant and totally believable in this difficult role.”

Ang hanash ni Charlotte Ann, theatress.com, “Gerald Santos is powerful and at time a tad terrifying as Thuy.”

At isa pang kuda mula kay Chris Sparkle, “And there’s also a fine performance of Gerald Santos as Thuy both as the wretched North Vietnamese soldier of peasant stock and as the clean cut military commissar.”

Sa mga nangyayari sa kanya sa Miss Saigon at sa magandang audience turn out sa kanilang shows at positive notices sa kanya, ang short at sweet na reak ni Santos, “Nakakakilabot! God is truly amazing! It was just a dream before.”

Well, Gerald, you are living proof that dreams do come true.

Isa ka nang tunay na inspirasyon para sa dreamers na maging believers at ang formula para maabot ang pa­ngarap ay talento, sipag, tiyaga, the willingness to take risk at siyempre pa, prayers and always, in God’s perfect time.

Mahaba-haba pa ang iyong touring production kaya good luck, good health and God bless you.