Gerald matanda na kay Julia

Sigaw ng mga JoshLia fan

Ni Archie Liao

Samu’t sari ang naging reaksyon ng mga netizen sa pag-aanunsyo ni Julia Barretto ng gagawin niyang pelikula na may titulong “Between Maybe” na ididirehe ni Jason Paul Laxamana.

Marami rin ang nasorpresa na hindi ang kanyang love team partner na si Joshua Garcia ang kanyang kapareha sa naturang proyekto kundi ang Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson.

Bagama’t may mga fan na masaya para kay Julia dahil sa pag-e-explore nito ng bagong ka-love team, marami rin ang hindi type si Gerald para sa kanilang idol lalo na ang mga JoshLia fan.

Hirit nila, hindi raw bagay si Gerald kay Julia dahil matanda na raw ito.

Ipinagtanggol naman si Julia ng kanyang mga fans at sinabing welcome sa kanila ang fresh tandem para mawala naman ang sawa factor kay Joshua.

Sey pa nila, kung si Kathryn daw ay sumubok ng Alden, karapatan din daw ni Julia na mag-try din ng ibang screen partner.

Ang na­banggit na pe­likula ay nakatakdang kunan sa Saga, Japan.