Gerald, Matteo at Paulo mas nakakapaglaway kesa kina Sunshine, Ina at Alice

BET na bet natin ang mga Adan na hubad baro.

Sa isang patalastas para sa isang tuna brand, ang mga maricon, happy fiesta talaga dahil tatlong palong-palong hombre ang in full display ang kanilang katawan.

In various states of yumminess siyempre ang inihahandog nina Gerald Anderson, Paulo Avelino at Matteo Guidicelli.

Sa ageless campaign, si Gerald, hubad baro, pawisan, tumatakbo na running tights ang suot. Si Paulo, nagmo-motor tapos biglang huhubarin ang leather top na suot para ipakita ang katakam-takam na katawang pangromansa at ang paandar naman ni Matteo, lumalangoy tapos aahon sa dagat, tatakbo sa pampang na basang-basa ang tubig na dumadausdos sa kanyang panalong-panalong katawan.

Kahit pa nga nasa patalastas ang charmed ones na sina Sunshine Cruz, Ina Raymundo at Alice Dixon, mas nakakabuntong hininga, nakakapaglaway at nakakapagdighay sa mga gays ang tatlong Adan. Masarap sila, huh!

Heart palaban kina Lovi at Anne

BEST in paandar ang isang fashion glossy sa kanilang paandar na iproklama ang best dressed Filipinas. Mga ladies with a wonderful fashion attitude ang mga ito kaya hindi puwedeng isnabin.

Ang pinakareyna sa pagiging mahusay manamit ay si Lovi Poe. Ang paliwanag kung bakit pasok si Lourdes Virginia na magkakaarawan ngayong araw, February 11, “(she) recently caught our eyes, but a quick scroll through her feed shows that when it comes to dressing up, she has long been on her way to becoming always #OOTD-ready.”

Sa cover nga, glam kung glam si Poe in her aquamarine gown na may side slit kaya in full reveal ang kanyang shapely legs and thighs.

Kamakailan, naka-chikahan namin si Lovi na kahit suot niya ay black midrib top at denims, kitang-kita how fit and sexy she is. Ang nakakatuwa pa, maganang kumain si Poe, huh. Bet na bet niya ang spicy laing pasta at ‘yung kamote side dish na ka-love team ng bagnet kare-kare, talagang sinasawsaw niya sa kare-kare sauce. At talagang she was enjoying the food fare, ang sabi niya, “Ang sarap, ‘di ba?”

Pangalawang best dressed lady ay si Anne Curtis Heussaff. Ang hanash sa glossy, “fashion chameleon who puts her best shoe forward everyday, always ahead of the curve and no doubt has fun expressing herself through fashion, taking her millions of followers along for the ride.”

Sa pabalat, naka-Cleopatra inspired ang kanyang buhok, with smokey eyes, seemingly suplada ang projection, ang kanyang famous lips, nude ang lipstick palette, naka-red pull over at pantalong may kung ano-anong ornaments. May chance na ang smokey eyes ni Curtis, magiging major make-up trend.

Siyempre pa, hindi kumpleto ang listahan kung wala si Love Marie Ongpauco-Escudero a.ka. Heart Evangelista.

Ang hanash ng glossy, “full of memorable fashion statements, including her sartorial choices at the State of the Nation Address, the Star Magic Ball, and Paris Fashion Week.”

Hindi ba, sartorial ang adjective na ginamit sa pihikang pagpili ni Heart. Ang ibig sabihin nito ay “to refer to any matter pertaining to the consideration of clothing or fashion.”

Palaban talaga si Heart kina Lovi at Anne pagdating sa aura-han.

50 women ang iprinoklamang best dressed. Sa mga inilista ko, agree or disagree ba kayo sa choices nila? Spin a win!