PAMILYA ang pagmumulan ng lakas ni Gabriel (Gerald Anderson) upang lumaban sa buhay sa pa­tuloy na pagpapahirap sa kanya ni Carlos (Jake Cuenca) at ng ama nitong si Roman (Michael De Mesa) sa Kapamil­ya morning series na Ikaw Lang ang Iibigin.

Sunod-sunod ang dagok kay Gabriel. Sinampahan siya ng kaso ni Roman, kaya natanggal sa unibersidad.

Naalis siya bilang endorser ng Tiger Shark dahil sa mas lumalalim nilang awayan ni Carlos.

Habang sinusubok siya ng tadhana, may magandang balita — ang pag-alok sa kanya ng kalabang kumpanya ng Tiger Shark bilang bago nitong endorser sa tulong ni Isabel (Coleen Garcia). Patuloy rin niyang magiging sandalan si Bianca (Kim Chiu) ngayong mas tumitibay ang kanilang relasyon.

Ano ang kapalaran ni Gabriel sa kamay nina Carlos at Roman? Paano malalampasa­n ng kanilang pamil­ya ang paghihirap?

Maapektuhan kaya nito ang pagmamahalan nila ni Bianca?