Gerald, pasok sa MISS SAIGON

Gerald Santos

THIS is it, pansit! Confirmed! Ang official word mula sa pamunuan ng Miss Saigon, “Cameron Mackintosh is delighted to announce principal casting and further dates for the forthcoming UK and Ireland of his acclaimed new production of Buobil and Schonberg’s Miss Saigon, opening at Curve Leicester where it will play from Saturday, July 1-Saturday, July 22, 2017.

“Red Concepcion will play ‘The Engineer,’ Sooha Kim ‘Kim,’ Ashley Gilmore ‘Chris,’ Zoe Doano ‘Ellen’ and Gerald Santos ‘Thuy’.

“At certain performances ‘Kim’ will be played by Joreen Bautista.”

Hep! Hep! Hooray sa Filipinos who are part of this touring production.

Si Concepcion, huli kong napanood sa tanghalan, sa PETA’s Care Divas.

Sobrang happy para sa former Pinoy Pop Superstar Season 2 winner na si Gerald Santos, dream come true niya ang pagi­ging Thuy.

Hindi madali ang audition na pinagdaanan ni Santos at matagal na pa­nahon ang kanyang hinin­tay bago dumating ang opisyal na anunsyong ito.

Sa katatapos niyang konsiyerto na Something New With My Life, ang spiel niya pa ay, “Matanggap o hindi, ang importante, nag-try ako at binigay ko naman ang best ko.

“Kung ako nga ang papalarin, pinakamasaya at pinakamalaking pangyayari sa career ko.”

Caught by surprise si Santos dahil sa official announcement na ito.

Gerald will now slay the stage!