Gerald Santos naka-300 sa Miss Saigon

gerald-santos

Hindi matatawaran ang journey ni Gerald Santos bilang Thuy sa classic international stage musicale na Miss Saigon. For the record, naka-300 performance na siya kagabi sa nasabing role sa kanilang UK Tour.

Nag-renew ng contract si Gerald sa Miss Saigon kaya dalawang linggo lang ‘yung bakasyon niya nu’ng May, na kung saan ay nag-bonding kami sa La Union kasama ang ilang kaibigan niya sa press.

Hindi naman nakakagulat kung ni-renew siya bilang Thuy dahil pinupuri ng mga kritiko ng entablado ang kanyang pagganap.

Malaki rin ang pananalig ni Gerald na magkaroon ng Asian tour next year kasama ang Pilipinas. Gusto rin niyang mapanood siya ng ating mga kababayan.

Anyway, sa two weeks niyang bakasyon ay pumirma siya sa Star Music ng kontrata. Inilunsad agad ang single niyang ‘I Am Yours’. Labas na rin ang music video ng ‘I Am Yours’ na kinunan sa Dubai, London at Scotland. Makikita roon ang desert sa Dubai, pati na rin ang magagandang tanawin sa Edinburgh, Scotland; Mayflower Theatre sa Southampton at Al-Ain Desert sa Abu Dhabi.

Anyway, pagkatapos ng performance niya sa Bristol, magkakaroon siya ng concert sa Notting Hill sa Moxilla Social Club. Meron kasi silang walong araw na break.
Nakatakda ring ipalabas ang kanyang post birthday TV Special, ang Something New in My Life na ipalalabas sa June 24 sa Net 25, 8-10 pm.

Talbog!

Zumba at cooking demo para kay Mommy sa Bida Kapamilya

Bidang-bida ang mga mommy sa maagang Mother’s Day treat ng ABS-CBN sa ginanap na ‘Bida Kapamilya Just Love Araw Araw’ sa Robinsons Starmills, Pampanga kamakailan.

Nagsimula ang araw sa energetic na Zumba activi­ty na sinundan ng job fair. May cooking demo din ang TESDA kung saan namigay ito ng scholarship para sa ilang mapapalad na kalahok.

Mas uminit na ang kaganapan pagdating ng hapon sa pagdagsa ng Kapamilya stars para sa espesyal na variety show sa pangunguna ng lead stars ng Star Cinema film na ‘Kasal’ na sina Bea Alonzo at Paulo Avelino pati na ang co-stars nitong sina Vin Abrenica at JC Alcantara.

Nagpakilig naman ang bagong tinitiliang loveteam nina JM de Guzman at Barbie Imperial kasama ang iba pa nilang kasama sa ‘Precious Hearts Romances presents: Araw Gabi’ na sina RK Bagatsing, Jane Oineza, Paulo Angeles, Ysabel Ortega, at Joshua Colet.

Hindi rin nagpahuli ang Daytime Drama Queen na si Julia Montes at pinangiti rin ang mga Kapamilyang dumagsa sa Pampanga.

Nakisaya rin ang grupo ng tulisan sa seryeng ‘Bagani’ na sina Mikylla Ramirez, Charlie Dizon, Eslove Briones, Eric Tai, at Miko Penalosa habang nangharana naman ang mga bagani na sina Makisig Morales at Zaijian Jaranilla sa kanilang loyal viewers.

Todo hiyawan naman sa Robinsons Starmills sa pagsabak ng kilig ambassadors na Hashtags at Girltrends habang dumalo rin sa kasiya­han ang ‘The Voice Teen’ finalist na si Jeremy Glinoga, One Music artists na sina Michan at Iskala, Lodi records artists na sina Blank Tape, Manny Paksiw, at Diorap pati na ang ‘YeY’ kids at si Donna Cariaga. Nagsilbing hosts naman para sa variety show ang mga kuwela at paboritong mga MOR 101.9 DJs na sina DJ Digong Dantes, DJ Rico Romantico, DJ Kisses, at si Dj Eva Ronda.

Ellen no show sa hearing ng kasong child abuse

Hindi sumipot si Ellen Adarna sa kasong Child abuse na isinampa sa kanya sa Office of the City Prosecutor ng Pasig City kaya ni-reset ang hearing sa June 11 .

Mababasa sa Twitter Account ng TV5 reporter na si MJ Marfori “Mga magulang na nagsampa ng child abuse case laban kay Ellen Adarna, narito na sa Pasig Prose­cutor’s office para sa unang hearing.”

Nag-chat kami kay MJ kung sumipot ba si Ellen: “Wala po,” pakli niya.

Kahit lawyer ni Ellen? “Wala po,” tugon pa rin niya.

Ayon sa Official statement ni Atty. Arnold Labay, legal counsel ng Santos’ family. “Hearing was reset to June 11 due to the absence of Ms. Ellen. Santos family would just await for the Child Abuse and Cybercrime cases to take its due course.”

Matatandaang idinemanda si Ellen ni Myra Abo Santos, ina ng 17-anyos na babaeng inakusahan niyang kumuha ng video habang kumakain siya sa isang restaurant sa Makati.

Marahil, isa sa dahilan na wala si Ellen ay yumao ang kanyang ama na si Alan Modesto Adarna sa edad 58.

Ayon sa balita, cardiac arrest diumano ang sanhi ng pagpanaw.

Nakaburol ito sa Cosmopolitan Memorial Chapels, Inc. sa Mandaue, Cebu.

Hinihilingi ng pamilya na magkaroon ng privacy sa oras ng pagdadalamhati.

Hindi rin pinapayagan ng media na makapasok sa loob ng burol.

Ang libing ay nakatakda sa June 8 sa Queen City Memorial Gardens.

Wala pang post ang aktres sa kanyang Instagram Account sa pagkamatay ng kanyang ama.