Gerald tinabla si Julia

Mapait na ngiti ang sinukli ni Gerald Anderson sa isang panayam sa telebisyon matapos ungkatin ang diumanong love bracelet nila ni Julia Barretto.

Literal na itinanggi na may “love life” siya sa kasalukuyan kaya para sa binata, hindi niya man diretsahang sinambit, ang mga chikang love bracelet ay kathang isip lamang ng mga nilalang na sadyang matataba ang utak.

May “aray” kayang reaksyon ang pretty, young Barretto sa panibagong pagtanggi ni Anderson tungkol sa kanila? O talagang hindi aamin ang binatang makisig kahit ano pang pangungulit at pagtatanong sa kanya tungkol sa kaniyang romansa dahil gusto niyang proteksyunan at pangalagaan ang babaeng tunay niyang tinatangi?

Si Papa Ge na ba ang millennial Denial King at kahit ano pang paliwanag niya, mas nanalig tayo sa ating mga kutob at pandama? Na sa tamang panahon, ang kung ano mang itinatagong pilit at inililihim ay kusang sasambulat?

Ang pang-uring ginamit ni Anderson upang ilarawan ang kanyang 2019 ay “colorful year.”

Dahil sa pagmamahal, tiwala at suporta ng mga tunay na kaibigan at pamilya, he was able to roll with the punches at sinabi niya rin na “the opinions of others does not define you.”

Sa Pasko, lilipad siya papuntang Amerika para maglaro sa isang basketball game.

Ay, hindi naman kaya “All I Want For Christmas Is You” ang rotating endlessly sa playlist ni Julia agad-agad? Bakit ganu’n, parang hindi masyadong nalungkot ang lahat na hindi magkasama ang dalawa ngayong season of love?

Pokwang cheap ang comedy

Dahil nga ang mga basher niya, tinawag na “cheap” ang kanyang brand of comedy, si Pokwang, pinatulan talaga ang mga ito, huh!

Kuda nito sa isang basher na itinatago ang sarili sa pangalang Juan dela Cruz: “Maka-cheap version of comedy ka naman HUY!!! Kaya mo ba ginagawa namin p—h ka!!! Basahin mo muna sinabi ko wag kang ta—a! Merry Christmas u—l!”

Deadma na si Juan dela Cruz sa kuda ni Marietta Subong.

May isa pang pinahayag ang kanyang opinion at sinabing “panahon na para itaas ang antas ng pagpapatawa at hindi ito dapat ‘maka-masa’ lang.”

Ang hanash ni Madam Pokie rito: “Sige nga, educate me, enlighten me kung ano para sa inyo ang basehan ng mataas na uri ng comedy? Baka mairekomenda ko kayo sa network bilang writer at creative director, kailangan nila ngayon iyan.”

May katwiran ang mga kuda at hanash ni Pokwang kaya ang hiling ng mga taga-suporta niya ang “comedy” na ipapakita sa “Mission Unstapabol: The Don Identity” ay hindi ‘yun usual fare at flavor na kinalakihan at kinasanayan natin bilang mga manood.

Wala sanang nilalait na pangit o mga bakla, lalong-lalo na ang mga may kapansanan. Wala na rin sanang brown, green at toilet humor. Hindi na rin dapat ginagawang katatawanan ang mga payat, pandak, matataba. Wala na rin sanang batukan, pukpukan ng diaryo sa ulo at iba pa. Mas maganda nga namang panoorin na “sitwasyon” at “pangyayari” sa pelikula ang maghahatid ng halakhakan kasama na diyan ang tamang pagbibitaw sa jokes at punchlines.

Hayaan na lang natin na ang mga nilulumot, sinauna at balahurang istilo na pagpapatawa ay maging lahok at sangkap ng mga ibang pelikula. Kung sila ay maligaya sa paghahatid sa madlang pipol, nang may “pera sa basura” at “junk food” kind of humor, hamo na sila. Sila rin naman ang malalason sa ganu’ng klaseng pagpapatawa.

Ms. Pokie, sa pagsasanib puwersa niyo ni Bossing Vic Sotto, bilang inyong mga tagasubaybay, ang hiling at lambing namin, nawa’y ang “Mission Unstapabol: The Don Identity” bago ang inyong mga pamamaraan para ang mga manood ay tumawa ng malakas at maaliw. Promise mo iyan ha?

Jennylyn, Jasmine nagmukhang matanda kay Marian

Sa teaser para sa bagong show ni Marian Rivera, nakakaloka ang kanyang alindog at kariktan, huh! Parang dalaga pa rin. Parang hindi nanay ni Zia at Ziggy Dantes. Blooming, blossoming at devastatingly beautiful ang nag-iisang Mrs. Jose Sixto Dantes.

Sa true lang, kung ikukumpara mo si Marian sa mga leading lady ni Sixto sa kanyang telebabad program na base sa isang Korean soap, mas sariwa at katakam-takam pa siyang pagmasdan. Parang biglang tumanda ang itsura nina Jennylyn Mercado at Jasmine Curtis-Smith kung sila ay pagtatabihin at sabay-sabay tayong mamili kung alin-alin ang naiba, huh!