Dahil kaliwa’t kanan ang pagpapaunlak ng dati niyang kasintahang si Gerald Anderson, ang kanyang mga tagahanga at sumusuporta, ang taimtim na dasal, huwag na patulan pa ito ni Bea Alonzo.
Kahit kasi gaano ka-kwentas claras ang mga hanash at kuda ng lalaking minsan ay minahal ni Alonzo, kahit saan anggulo tingnan, water under the bridge na ang lahat. Walang bearing at mas lalong walang kuwenta ang mga pinagsasabi niya pang everything was blown out of context and proportions.
May puso na siyang sinugatan. May babaeng sinaktan. Kaya, kahit pa nga sumasagot lamang siya sa mga ibinabatong tanong sa kanya, ang gentleman thing to do, hindi na siya sumagot pa. Puwede naman niyang ilambing na ibalato niyo na lang sa akin ang tanong na iyon at ayokong sagutin pa.
Siguro, mas marami pa ang matutuwa at malulugod kay Gerald, at mas hahangaan ang kanyang pagkalalaki kung aamin siya sa kanyang kamalian.
Kaso, he cannot and did not man up for his mistakes kaya ‘yung mga drama niyang “overblown” at “nakakalungkot,” alam na alam na lip service at bereft of sincerity.
Kaya nga ang pananahimik ni Bea tungkol dito, patuloy nating ipagdasal. Ipagpatuloy niya ang pagiging buhay na patotoo na living well is her best revenge and behaving like a lady till the very end, is the classiest way to deal with this situation.
Kaya Gerald Anderson, sa susunod, just keep your mouth shut. Zip it na, pre.
Pangmalakasang dasal sa franchise ng ABS-CBN
Para sa balana, madlang pipol at mga Kapamilya, ang pangmalakasang dasal nila para sa ABS-CBN, maayos ang franchise issue na kanilang hinaharap. Na sapat ang numero, pangil at panahon para ma-renew ang kanilang franchise. Makinig nawa ang Sansinukob sa kanilang mga panaghoy at pagsusumamo.
Ang mga Kapuso at dabarkads naman, bagama’t ang GMA-7 ay may karapatan to exhaust all legal means para sa Eddie Garcia DOLE decision, ang kanilang lambing sa mga Pulis Pangkalawakan, kung talagang totoo sa network ang battle cry nilang “walang kinikilingan, walang kasinungalingan, serbisyong totoo lamang” at sila talaga ang number one network at advertiser’s favorite, ibigay na nila ang P890 million na danyos sa pamilya ni Ginoong Eddie Garcia.
Sa true lang, walang monetary equivalent ang pagiging alamat at Pambansang Kayamanan ni Ginoong Garcia. Hindi na dapat ulit-ulitin pa na ang aksidenteng naging dahilan sa pagpanaw nito ay maaaring mapigilan kung hindi naging pabaya ang mga kasali sa produksyon.
Sa Star Cinema, Regal Films, Viva Films, at iba pang movie production outfits, paki-panood ang mga natatanging palabas sa Netflix, I-flix, HOOQ, HBO at iba pa, para naman mapagtanto niyo kung ano ang mga pelikulang mas may global appeal, may mga kuwentong natatangi pati na rin ang paglalahad nito at mga bagong konsepto. Hinay-hinay na po sa romantic comedy, legal wife versus kabit, kabaklaan, kabaduyan, horror at ‘yung mga usual staple na inyong ginagawa. Mas marami pong Pinoy movies na nag-flop, first day, last day at first hour, last hour kesa sa mga kumita, idagdag pa ang katotohanan na mahal na ang sine, traffic pa, kailangan mo pang kumain, kaya ang mga audience, dapat inyong engganyuhin na lumabas sa kanilang mga cocoon dahil talagang kaabang-abang at bago ang inyong mga movie offering.