Naglabas ng hinaing sa Facebook ang Orchestral conductor na si Gerard Salonga laban sa pagbabawal ng musical instrument ng Philippine Airlines sa carry on baggage..

Ayon sa thrombone artist na si Allen Meek ng Singapore Symphony Orchestra nitong Setyembre 21, “Never fly Philippine Airlines from Manila as they have a ZERO TOLERANCE policy for all hand carry musical instruments (must be checked in) with the exception of ukulele only. For ‘safety and security’ reasons. Ridiculous.”

Dito na ibinahagi ni Salonga ang post at maayos na kinwestyon ang policy ng PAL. Aniya, “Is there a good reason (beyond ‘that’s our policy’) why you don’t allow musical instruments as carry-on baggage, except ukuleles – even if they clearly fit? I’m sharing a post from a professional musician who works in Singapore and loves to visit our country.”

Tumugon naman ang PAL sa pamamagitan ng kanilang Official Facebook page at ipinaliwanag na hindi umano puwede ang nga instrument sa carry-on baggage dahil sa kanilang limitadong espasyo sa overhead.

“We wish to inform the such instruments are not allowed as carry-on-baggage due to the limited overhead space.Moreover, passenger safety is our utmost priority which is why instruments are not allowed onboard unless passengers avail our cabin baggages services,” sabi ng PAL.

“If you avail our cabin baggage services, your son’s instrument will occupy an entire seat next to him.,” sagot ng PAL sa thread ni Salonga nang may nagtanong kung paano iuuwi ng anak niya ang instrumento nito pag bakasyon na.

Pero dumepensa naman ang ama ng violinist na si Adrian Nicolas Ong. Sa ibang airline umano ay hindi na kinakailangan pang magbayad ng isa pang upuan para lamang makapagdala ng instrumento. Maaari rin umano itong ilagay sa overhead compartments.

Marami pang musikero ang umalma sa regulasyon na ito. Hindi naman umano kasi ito magiging sagabal o delikado. Wala naman umanong nakikitang malaking threat sa maliit na instrumento kagaya ng violin.

Sabi ng netizen na si Philip Khalid, nakipag-away rin siya sa PAL sa parehong dahilan na nagdala siya ng maliliit na violins mula Bacolod para ipaayos ang mga ito.

“The policy is ridiculous indeed. They claim we can use the strings as a weapon.So, for me to use it as a weapon, I will have to remove the strings from the instrument.Can you imagine a more comical way to cause injury to people?It’s a plot for slapstick comedy.”

Sabi ng netizen na si CY Dino Esguerra, nakakainis ang patakaran na ito ng PAL dahil napipilitan silang isiksik lahat ng kailangan niya sa isang maleta para madala niya ang kanyang gitara. At dahil naka-check in ang kanyang gitara maraming hard cases na ang nabasag sa kanya. (Eileen Mencias at Ronaline Avecilla)