German ambassador ipinatawag ni Locsin sa Hitler issue

Ipinatawag din ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin Jr. ang ambassador ng Germany upang mag-usap sila hinggil sa kontro­bersyal na pahayag ng kalihim sa panayam sa kanya kung saan idinepensa nito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil kay Adolf Hitler.

Nauna rito ay ipinatawag ng Federal Foreign Office ng Germany ang Philippine ambassador kasunod ng pagdepensa ni Locsin sa naunang pahayag ng Pa­ngulo kaugnay sa pagpaslang sa mga drug addict na ikinumpara sa pagpatay ni Hitler sa mga Jew.

“I already told them to tell the German Foreign Ministry to send the German ambassador to me because I’d rather finish my own fights than have other do it,” sabi ni Locsin sa kanyang tweet.