Mga laro mamaya:
(FilOil Flying V Centre, San Juan)
2:00 pm – Choco Mucho vs Pacific Town Army
4:00 pm – BaliPure vs Phil. Air Force
6:00 pm – BanKo vs Creamline
Malamang muling pamumunuan ni opposite hitter Angeline Marie ‘Dzi’ Gervacio ang BanKo upang makakuha ng panalo sa pagsilat sa reig-ning champions Creamline sa 3rd Premier Volleyball League Open Conference 2019 eliminations mamayang ngayong Miyerkoles nang alas-sais nang gabi sa FilOil Flying V Centre, San Juan.
Winalis ng Perlas Spikers nitong Sabado, Agosto 17 ang Philippine Air Force, 25-13, 25-18, 25-19 sa pamumuno ni Gervacio na kuminang ng 19 points.
Kahit wala si main setter Jem Ferrer, na tinamaan ng dengue, nag-step-up si libero-turned-setter Gizelle Tan na may 26 excellent sets para sa 2-1 win-loss record ng koponan.
Tuloy-tuloy naman ang pananalasa ng Cool Smshers nang pataubin ang Chef’s Classic, 25-12, 25-5, 25-15, nitong Linggo para sa 3-0 baraha.
Bumida para sa Creamline sina ace player Alyssa Valdez na naka-16 points, Jema Galanza na may 11 markers at Michele Gumabao na may 10 puntos.
Derbi rin ang Choco Mucho (1-0)-Pacific Town Army (1-0) sa alas-dos nang hapon, at Phi-lippine Air Force (0-1)-Balipure Purest (0-4) sa alas-kuwatro nang hapon. (Janiel Abby Toralba)