Guwapo at maganda ang tindig ng anak ng isang kilalang-kilalang male personality. Wala nang hahanapin pa sa bagets. Makisig, matipuno ang kanyang katawan, dahil gusto niyang sundan ang matagumpay na yapak ng kanyang ama.

Lapitin ng chicks ang guwapong bagets. Bakit nga naman, bukod sa may mga personal na siyang katangian na kanyang-kanya lang, nagsusumigaw pa ang pangalan ng kanyang pamilya na sikat sa buong mundo.

Kuwento ng aming source, “At mabait ang bagets! Wala siyang angas! May karapatan siyang gawin ‘yun dahil sa estado nila sa buhay, pero hindi. Very humble ang bagets.

“Manang-mana siya sa kanyang pinagmanahan. Ang father niya, kahit super-sikat na at successful, e, napaka-humble pa rin. Walang ipinagbago, mapagpakumbaba pa rin, maganda ang puso.

“Kaya lang, maraming nagpapayo kay bagets na maghinay-hinay lang sa pakikipagrelasyon. May girlfriend na kasi siya, palagi silang magkasama, nag-aalala ang mga nakakakita sa kanila na baka matukso sila!

“Hindi naman sila bantay-sarado, malaya silang dalawa kahit saan sila magpunta, kaya baka nga naman one day, e, alam n’yo na! Baka makalunok ng pakwan ang girl!” natatawang komento ng aming source.

Pero disiplinado kuno ang bagets dahil may pangarap siyang sundan ang matagumpay na career ng kanyang ama. Hindi siya nagmamadali, makapaghihintay ang personal na kaligayahan, palagi niyang sinasabi.

Patuloy ng aming source, “Harinawang ganu’n nga ang mangyari. Napakaaga pa para siya magseryoso sa lovelife, marami pang panahong nakalaan para sa kanya.

“Pero masuwerte ang girl sa kanya, sa totoo lang. Richie-richie na siya, e, guwapo pa, saka mabait talaga ang bagets. Nasusubaybayan siya ng payo ng mga magulang niya. Pak na pak, di ba?” pagtatapos ng aming source.
***

Kris nega kahit nagpakumbaba

Kung pakikinggan ng magkapatid na Falcis ang mga komento ng pambubuyo ng mga netizens tungkol sa alok na pakikipagkasundo sa kanila ni Kris Aquino ay malayong mangyari ‘yun.

Siyam sa sampung komento ang nagsasabing huwag silang papasok sa patibong ni Kris, ipagpatuloy na lang nila ang laban sa korte, dahil siguradong may kakaibang plano ang aktres-TV host kapag nakuha na nito ang kanyang gusto.

Nagtataka lang kami. Napakaganda na ng ipinakitang aksiyon ni Kris, ito na ang nagpapa­kumbaba, pero bakit ayaw pa ring maniwala ng mga kababayan natin sa kanyang pagmamagandang-loob kina Attorney Jess at Nicko Falcis?

Bakit negatibo pa rin ang pagtanggap samantalang napakagandang katangian na nga ang ipinakita ni Kris na matapos na ang kanilang hidwaan ng mga Falcis?

Ganyan na ba ka-zero ang kredibilidad ni Kris Aquino? Dumating na ba ang aktres-TV host sa puntong kahit anong magandang pagkilos ang gawin nito ay wala nang naniniwala pa sa kanya?

Napakasaklap naman. Paano kung sinsero naman pala ito sa kanyang alok na pakikipagkasundo sa pamilya Falcis? Paano kung totoong kinali­mutan na nito ang kung anumang sama ng loob kay Nicko?

Tawa kami nang tawa sa komento ng kaibigan naming propesor, ang kanyang sabi, “Paano naman niya mapaniniwa­lang ready na siya for a reconciliation, e, nana­nakit pa rin siya?

“Sa tanong kung bakit hindi niya sinasagot ang mga patutsada ni Gret­chen Barretto, e, sinabi niya na kasi raw, e, hindi naman siya ninakawan ni Gretchen?

“So, paano niya makukuha ang loob ng mga Falcis sa ine-emote niyang pagbabati?

“E, ganyan pa rin naman siya, magnanakaw pa rin ang tingin niya kay Nicko? May magaganap bang pagkakasundo kapag ganu’n?” madiing pahayag ni prop.