BINIGYANG parangal ng WNBA sina Gianna Bryant at teammate niyang sina Alyssa Altobelli at Payton Chester sa remote Draft nitong Biyernes.

Ginawang honorary draftees ang tatlo sa WNBA Draft sa New York.

Namatay sina Gianna, amang si Kobe, Altobelli, Payton at limang iba pa nang bumagsak ang sinakyang helicopter sa Calabasas, California noong January 26.

“The WNBA pays tribute to the lives of Alyssa Altobelli, Gianna Bryant and Payton Chester by selecting them as honorary draftees in the #WNBADraft 2020,” anang liga.

Classy move.

Pagkatapos ng pagkilala ay nagsimula ang draft.

Tulad ng inaasahan, top pick overall si Oregon guard Sabrina Ionescu na hindi pinakawalan ng New York Liberty.

Sa first round, sumunod sina Satou Sabally (forward, Oregon) sa Dallas Wings; Lauren Cox (forward, Baylor), Indiana Fever; Chennedy Carter (guard, Texas A&M), Atlanta Dream; Bella Alarie (forward, Princeton), Dallas Wings; Mikiah Herbert Harrigan (forward, South Carolina), Minnesota Lynx; Tyasha Harris (guard, South Caroina) Wings; Ruthy Hebard (forward, Oregon), Chicago Sky; Megan Walker (forward, UConn), Liberty; Jocelyn Wiloughby (forward, Virginia), Phoenix Mercury; Kitija Laksa (guard, Latvia), Seattle Storm; at Jazmine Jones (guard, Louisville), Liberty. (VE)