Giannis, Milwaukee balikwas sa Game 2

Nasorpresa sa Game 1 ng Eastern Conference semifinals ang NBA-best Milwaukee. Sa Game 2 Martes ng gabi, balik ang Bucks sa dating gawi.

Umaatake si Giannis Antetokounmpo sa rim, kumokonekta mula long range si Khris Middleton, at epektibo si Eric Bledsoe.

Nagsumite si Antetokounmpo ng 29 points at 10 rebounds, ibinaon ni Middleton ang pito sa franchise-playoff-high 20 3-pointers ng Milwaukee, at binawian ng Bucks ang Boston Celtics 123-102 para itabla ang series sa 1-1.

Mula sa floor ay 7 of 16 ang top MVP candidate na si Antetokounmpo, 13 of 18 sa foul line. May 22 points siya sa opener pero 7 of 21 mula sa field.
Tumapos si Middleton ng 28 points. Naigapos si Bledsoe sa 6 points noong Linggo, rumesbak siya ng 21 points at 5 assists.

Dumistansiya ng hanggang 31 ang Bucks pagkatapos ng dikitang first half.
Lipat ng Boston ang Game 3 sa Biyernes (Sabado sa Manila).

“I think that’s more what we’re accustomed to seeing,” ani Bucks coach Mike Budenholzer. (VE)