Giannis naloloko sa gitara

Giannis naloloko sa gitara

Suspendido na ang NBA season, pero hindi ibig sabihin na kain-tulog na lang si Giannis Antetokounmpo.

Katunayan, busy ang reigning MVP ng Milwaukee Bucks sa bago niyang kinagigiliwan – gitara.

Nag-post ng video sa Twitter ang girlfriend ni Giannis na si Mariah Danae Riddlesprigger, kuha ng Greek Freak habang paisa-isang tinitipa ang nota ng “Smoke on the Water” ng Deep Purple.

Rakista lang?

Nilagyan niya ng caption: “This ladies and gentlemen is why we all need basketball back.”

Niloloko niya ang boyfriend, parang sinasabing mas magandang bola na lang ang hawak nito kesa gitara.

Sumagot naman si Giannis:
“If anyone wants a guitarist for their group I’m free. Inbox me for booking.”

Nakisali rin sa alaskahan ang kapatid ni Giannis na si Kostas.

“This what happens when you 30 day vacay,” sundot ng Lakers forward. (VE)