Giannis sinapawan si Doncic

Giannis sinapawan si Doncic

Sinapawan ni Giannis Anteto­kounmpo ang kapwa niya Euro star na si Luka Doncic.

Nagkamada ang All-Star captain na si Antetokounmpo ng 29 points at 17 rebounds at kinubabawan ng Milwaukee Bucks ang Dallas Mavericks 122-107 Biyernes ng gabi.

Sinagpang ng Bucks ang pang-anim na sunod na panalo nang dominahin ang Mavs sa scoring sa paint 80-26 sa pangunguna ni Antetokounmpo na 13 of 18 mula sa field, marami rito mula sa pananalasa ng dunks at layups.

“Antetokounmpo is a great player, but 80 points in the paint is just ridicu­lous,” hindi makapaniwalang sabi ni Mavs coach Rick Carlisle. “In this league, you have to be able to guard penetration – with a level of force and will. We did not do that.”

Nag-deliver ng 20 points si Brook Lopez sa Bucks, tangan pa rin ang NBA best record na 41-13.

Ang 19-year-old rookie na si Doncic na lang ang naiwan sa starting lineup na binuo ng Dallas noong offseason.
May 20 points si Doncic pero nagbaba lang ng 3 rebounds at may 2 assists sa unang laro matapos ilista ang pangatlo niyang triple-double. Si Doncic ang nag-iisang teenager sa NBA na may multiple triple-doubles.

Wala na sa Dallas sina Harrison Barnes na nai-trade sa Sacramento habang naglalaro pa sa Charlotte noong Miyerkoles. Una nang pinamigay ng Mavs sina starters Dennis Smith Jr., Wesley Matthews at DeAndre Jordan sa New York.

Hindi maglalaro sa kabuuan ng season ang kapalit ng tatlo mula sa Knicks na si Kristaps Porzingis, nagpapagaling pa mula knee injury na nakuha February ng nakaraang taon pa.

Nagpasok ang Mavs ng season-high 22 3-pointers, 9 for 6 sa third.
Hindi rin naglaro sa Bucks si Nikola Mirotic na hinugot mula New Orleans.